"Ayos lang ako no. Wala yan. Mga haters at bashers lang yan. Talagang kumampi pa sila sa ungentleman na lalake na yun. Salamat mga friendships pero oks lang ako". At binaba na ni Karla ang phone pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan ng bestfriend niyang si Jane. Nag-aalala kasi ito sa kanya dahil nga sa dami ng mga hate messages at pambabash na inaabot nya ngayon sa social media.
Palabang babae si Karla. Kaya ito rin ang gusto nyang ipakita ngayon sa kabila ng matinding dagok na nangyayari ngayon sa buhay nya. Ayaw nya makita at maramdaman ng mga kaibigan nya na nalulungkot sya sa nangyayari. Ngayon, mag isa siya sa kanyang condo. Nakaupo siya sa kanyang single sized bed na may pink na Hello Kitty cover habang nakatingin siya sa picture ng family nya sa may side table ng kama nya. Namiss nya bigla ang pamilya nya sa probinsya. At bigla lumabo ang kanyang paningin. Napuno pala ng luha ang mga mata nya ng unti unti.
"Hay naku, wala ito. Hayaan ko sila at magsawa sila kadadakdak dyan. Di naman sila yung nakaranas na tumayo ng matagal dun at mapahiya sa kakatitig nung manhid na lalakeng yun. Kala nya di ko napapansin pagtingin tingin nya sa kin. Di naman pala ko papaupuin. Buisit talaga." Sabay punas ng luha gamit ang kanyang mga kamay.
"Makaligo na nga lang muna. May gimik pa nga pala kami nila Jane mamayang 5pm. Makapag unwind muna at kailangan ko ito ngayon. Ayoko rin magisang mag mukmok dito. Tama na muna internet at facebook at naii-stress lang ako sa mga nababasa ko."
Pagkatapos maligo, gumayak na si Karla at bumyahe papunta sa Eastwood kung saan sila magkikita nila Jane at ng ilan pa nilang barkada. Iniwasan din muna nya ang sumakay ng MRT dahil sa kaba na may makakilala sa kanya. Lalo ngayon at kalat na kalat na rin ang picture nya sa Facebook. Nag UBER na lang muna siya para safe. Pero kahit dito ay nappraning pa rin siya dahil lumilinga linga yung driver sa kanya at parang napapangiti pa ito at parang may tinawagan pa sa cellphone nung inabot sila ng stop light sa bandang Katipunan at narinig nyang sinasabi na "oo pare, eto nakasakay sya. At least dito wala siyang kaagaw sa upuan" sabay tawa. "May problema po ba?" ang tanong nya para ipaalam na napansin nya ang nangyayari. Sagot nung driver ay wala naman, at nag-green na nga ang stop light at dumiretso na sila sa byahe.
Pagdating sa Libis, dumiretso siya sa napagusapang meeting place sa Coffee Bean sa may Eastwood Mall. Dahil sa nangyari kanina, medyo naging ilag si Karla na makipagtinginan na o magpakita ng mukha sa ibang tao. Posible kasi na makilala siya ng mga ito. Naghanap siya agad ng upuan dun sa may sulok. Dumiretso sya dun. Di tulad ng dati, umoorder agad siya ng paborito nyang Caramel Machiatto pero sa takot na baka makilala siya ng ibang customer, umupo na lang muna siya. Nakarinig siya ng tawanan sa may gilid nya. Isang grupo ng apat na lalake ang nakatingin sa lugar nya habang hawak ang smart phones. Dinig na dinig nya ang usapan. Sabi pa nung isa "Pare, ok daw yan. Sige na, lapitan mo baka pumayag kahit 500 pesos. O kaya baka kahit 100 pesos card pang MRT e puede na rin. hahahaha"
Ang karaniwang Karla ay matapang. Kung kahapon ito nangyari ay malamang na sinugod nya at sinampal ang lalakeng ito. Subalit iba ang naramdaman nya ngayon. Na nagiisa siya na kinukutya ng mga tao. Mga taong di naman siya lubusan na kilala pero ngayon ay hinuhusgahan nila. Pero naalala nya, siya rin kasi ang nagsimula. Siya na nanghusga sa lalaking di lang naman siya pinaupo sa MRT pero andami na nyang sinabi. Nilait pa nya pati ang itsura. Napagtanto nya na di nya rin naisip ang masasabi ng ibang tao sa kanya.
"Kasalanan ko rin. Oo, nagkamali ako. Pero ano na ang gagawin ko? Marami nang tao ang galit. Marami na ang nanghuhusga" At muling tumulo ang luha sa mga mata ni Karla. Tumayo siya at lumakad ng mabilis. Ni hindi nya nilingon ang grupo ng lalake dahil alam nya na tinatawanan lang sya ng mga ito. Mabilis siyang lumabas, lumuluha at di alam kung ano ang susunod na gagawin.
Dire-diretso siya sa pinto palabas at dahil sa di nya pagtingin sa dinadaanan, di nya namalayan na may isa palang lalake na papasok naman sa loob ng coffee shop. Nabangga nya ito at siya ay napaupo sa sahig dahil sa nangyari. Nagtawanan ang mga tao dahil sa eksena.
Hindi agad nakabangon si Karla sa nangyari. At tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Nang inabot ng lalake ang kanyang kamay mula sa pagkakaupo nya sa sahig.
""Miss, ayos ka lang? Pasensya ka na. Di rin kita nakita agad. Masakit ba? Bakit ka umiiyak?"
Part 1 of MRT Serye
Part 2 of MRT Serye
Bukas po ang katuloy ng ating MRT Serye (Part 4 at mga susunod pa). Pakilike po ang ating Facebook Page na Libreng Kwento Daily para po sa mga updates. Salamat po.
No comments:
Post a Comment