Saturday, August 27, 2016

MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 5)



Sabado ng umaga at walang pasok si Ryan sa eskwela. Hapon pa ang shift nya sa pinapasukang trabaho kaya di muna bumangon agad mula sa kanyang magulong kama. Di na halos maayos ni Ryan ang kwarto sa araw araw dahil sa pagod at puyat ng sabayang pag-aaral at pagttrabaho.

“Ryan, bangon na. Handa na ang almusal.”  Tawag ng kanyang Nanay Gina mula sa kanilang kusina. Maliit at simple lang ang kanilang tirahan kung kaya dinig na dinig mula sa kwarto ang tawag ng kanyang ina.
Sige po nay. May aayusin lang po ako saglit. Mukhang masarap nga po ang luto nyo. Amoy na amoy ko yung tocino dito sa kwarto. Nagsangag po ba kayo?”  Sagot ni Ryan.
Oo anak. Kaya bumaba ka na dyan. Minsan ka na lang makakakain ng almusal ng maayos. Araw araw ka na lang nagmamadali sa pagpasok. Dali na at ng di lumamig itong pagkain.” Lambing ng kanyang ina.
Ok nay, pababa na po.” 



Bago bumaba, nag open muna ng Facebook account si Ryan sa kanyang cellphone. Nawala na sa isip nya ang nangyari sa kanya nung isang araw. Pero pagbukas nya ng account, nakakita na naman siya ng napakaraming notifications mula sa messages mula sa nagbibirong mga kaibigan hanggang sa mga tagged posts sa kanya. Pagbukas nya ng isang link, nakita na naman nya ang picture ni Karla.
Kmusta na kaya sya?” Bulong ni Ryan sa sarili. Nagscroll siya pababa at nakita na naman nya ang masasakit na mensahe patungkol sa babae. Nalungkot siyang muli at naawa kay Karla. Muli na naman nyang sinisi ang sarili. Isasara na sana nya ang phone para bumaba na at kumain ng may isang komento na tumawag ng kanyang pansin.


Jane Fuentes : Please lang po. Tigilan nyo na sana ang pambubully. Kilala ko personally si Karla at hindi po siya tulad ng inaakala nyong babae. Nagkamali po siya sa ginawa nya at nagsisisi na siya. Pero itigil nyo na ang panghuhusga. Lahat naman nagkakamali eh. Wala namang malinis.


Maraming sumagot sa comment ni Jane. Karamihan ay galit at pati ito mismo ay nabully na rin ng mga tao. Gusto na sana nya sumagot din para patigilin ang mga tao. Pero naisip niya, baka akalain na pekeng account lang siya na ginamit pa ang pangalang Ryan para lang patigilin ang mga tao. Naisip niyang puntahan ang profile ni Jane. Nakapublic ang privacy setting nito kaya nagscroll siya saglit sa profile ni Jane. Agad agad, nakita nya ang isang pamilyar na babae sa isa sa mga Timeline photos nito. Si Karla.
Nabuhayan agad ng pag-asa si Ryan na makausap si Karla sa pamamagitan ni Jane. Nagclick agad siya sa message button. Offline. Pero di na siya nag-isip at agad siyang nag iwan ng message dito.
Ryan: Hi Jane. Kmusta? Hindi mo ako kilala pero gusto sana kitang makausap. Nakita ko yung comment mo sa isa sa mga posts. Ako si Ryan. Yung lalake na pinost ng kaibigan mong si Karla. Hindi ako galit sa kanya. Ang totoo ay gusto ko sana siyang makausap at makahingi din ng tawad sa nangyari. Puede mo ba ko tulungan na makausap siya? Nakikiusap ako. Sana ok lang siya. Salamat Jane.
Sana ay pansinin nya ang message ko. Baka kasi maisip nya na fake account lang ako at nagsasamantala sa sitwasyon. “
“Ryan, asan ka na?”  Tawag muli ng nanay nya.
Pababa na po nay. Saglit lang”
At bumaba siya na umaasa na ito na nga sana ang pagkakataon na makausap at makilala na nya si Karla, ang babaeng kanyang hinahangaan subalit natagpuan nya pa sa pinaka di inaasahang pagkakataon.

No comments:

Post a Comment