Nung isang biyernes ng hapon while submitting some papers at Sun Life
Antipolo office, a woman probably at her 50s greeted me then ngumiti din
ako. Di ko sya kilala. Then tinitingnan pa rin nya ko at di na nakatiis
at nagtanong dahil parang kilala daw nya ko and familiar itsura ko. I
told her politely na di ako sigurado or maybe baka younger brother ko
yun at lagi kasi kami napagkakamalan. Sabi nya siguro nga raw.
Dalawang araw ang lumipas, habang nagpapa-gas naman sa Petron Antipolo, isang
gas boy ang lumapit at kinumusta ako. Nanganak na daw ba ang misis ko.
Sabi ko teka lang, di naman buntis wife ko. And naalala ko yung sis in
law ko kakapanganak lang last month. Sabi ko baka brother ko yung
nakikita nya at wife nya. Mas madalas din kasi ako sa Shell magpa-gas.
Napaatras sya at tiningnan bigla yung kotse and narealize nya rin siguro
na iba pala. Sabi ko buti wala misis ko nun kundi baka inaway pa ko
dahil may buntis pala akong sinasakay na iba. Nagsorry sya pero natatawa
kami pareho.
Naisip ko
din, buti na lang at pareho kaming law abiding citizens at matitinong
tao ni utol. Kung may isa pala sa min ang naging lokoloko o kaya ay
napag-initan ng mga sindikatong siraulo, mas ok kung magiging mas
malinaw ang mata at magaling mag identify ang mga vigilante nila at mga
gun for hire kesa sa mga financial advisors o mga gas boys
No comments:
Post a Comment