Monday, August 1, 2016

Push Mo Yan

Ayoko na minsan manood ng balita. Halos pare pareho na lang. Kasalanan din kasi ng news na ang hinahighlight ay yung patayan. Yun naman kasi ang mabenta. Kailangang kumita para magpatuloy ang media. Bias? Lahat naman may bias eh. Nasa tin din kasi yan kung pano iabsorb ang balita. May iba tanggap ng tanggap, di na nagiisip. May iba naman sobra sa isip, wala nang tinanggap na tama.

Pero andami namang ibang magagandang balita. Sana binabalanse din. Tulad ng pagayos ng maraming sistema sa gobyerno. Tulad ng pagpapalit ng bantay at sistema sa kulungan. Mga ahensya na iniimprove ang serbisyo. Magagandang balita yan na napanood ko pero sa tingin ko, lamang pa rin talaga sa balita yung patayan. Sabagay,sabi nga nag iba ay dati na namang ganyan eh. 



Sa totoo lang, what bothers me more than the violence is on how people are starting to change the way they think about these things. Ngayon kasi, makakabasa ka ng komento na "imposible namang inosente yun, matutulog ka ba naman sa bahay ng pusher" about sa case nung criminology student na nabaril. O kaya naman yung napatay ng di kilalang gun men na 5 tao sa sementeryo. Isa yung 26 yr old na chef sa Makati na nagcecelebrate ng bday at bumisita sa magulang nya na napatay din na mga caretaker naman dun at nadamay pa ang 2 pang kapitbahay nila. Sabi agad e "yan talaga lungga ng pot session eh, malamang mga gumagamit ang mga yan". Kahit pa sabi sa balita, 2 lang dun sa limang napatay ang naidentify ng pulis na drug personalities. Ambilis lang ng panghuhusga ng tao ngayon. Ngayon, generalization, association and common knowledge, basis na ng tao na husgahan ang kapwa nila at isiping "deserving lang sila na mamatay". 

How about the Ateneo teacher who's a known anti-drugs advocate yet marami pa rin ang mababasang comment na baka nga kasi adik din o pusher talaga sya. How about the asset na pinatay din na kapatid pa ng pulis na posibleng binalikan lang pero pinagbibintangan na ring adik ng iba? Para bang ngayon, andali na lang sabihing dapat mamatay ang isang tao dahil lang nadikit siya sa usapang drugs o kahit sa mga tao na nagddrugs. I wonder how many of us have known and tolerated a person whom used or sold drugs? What if madalas mo pala siyang kasama? What if kapamilya mo siya? Ok lang ba sa yo na pagisipang kang kasing guilty ng tao na yun? Payag ka ba sa justifiction ng iba na "sasama ka ba sa alam mong adik o pusher" o kaya yung iba pa na "e kung talagang mahal mo, dapat turuan mong magbago yung kilala mo"? Well, that's so freakin idealistic like it's that easy for people to change their drug habits. Or parang ganon na lang kadali lumayo sa mga taong malapit sa yo kahit alam mong may ginagawa silang mali. 




 Then naalala ko, some years ago siguro mga 15 yrs na mahigit nung panahong single pa ko at nakatira pa ko sa parents ko. Mahirap pa ang tubig sa bahay ng mga magulang ko noon. Kaya gising ako hanggang madaling araw para magipon ng tubig at punuin ang tangke namin dahil ganoong oras lang nagkakaroon at di pa nga araw araw. One night, I was outside fixing the hose and then I saw a friend walking outside and then he greeted me. I sensed that there's something strange about him. The way he talked, acted and even smelled. Tinanong ko siya kung lasing sya. Natawa lang. Tapos umamin siya na nakatira siya ng shabu. Nagulat ako. Tinanong ko siya bakit nya ginagawa yun. Sabi nya, napasama lang sa mga kaklase nya pero di naman daw siya adik. Defensive agad, ganon ata talaga. Sabi ko, sana subok lang yun at wag nya nang ituloy kasi baka mahirapan na siya makaiwas sa susunod. Sabi nya oo naman daw. Subok lang talaga. Pangalawang beses pa lang naman daw nya yun. At sabi nya wala naman daw nagbago sa kanya kahit may tama siya. Mas masaya pa nga raw pakiramdam nya. Tapos medyo napatagal pa kwentuhan namin hanggang mapagod na rin siya siguro sa kakakwento at umuwi na at ako naman inayos ko na yung tubig namin na malapit nang mapuno sa tangke. Hinayaan ko syang magkwento ng magkwento pero dahil bata pa ko at unang beses ko nakaencounter ng taong sabog, medyo takot din ako nun para sa kanya at para sa sarili ko.

At that time, we were still both single. After that happened, I was really praying for this guy since we knew each other since we were young that he would not get addicted to it because I knew how his family was looking forward to him finishing his studies and finally have a job to help them. Good thing that this person changed. He has his own family now and a very responsible father to his children. And he was able to stay away from drugs even before he graduated. And he even rarely drink alcohol now and last time I heard, he's even trying to quit smoking. 




Unfortunately, hindi ito ang lahat ng kwento sa mga kalaro at kababata ko noon. Nabalitaan ko lang din na 3 yung nadampot na sa may malapit sa lugar namin na gumagamit pa rin daw ng droga at isa pa ang hinahanap ng mga pulis nung nakaraang buwan. Lumaki ako malapit sa mga ganitong tao. Ilang hakbang lang ang layo namin sa lugar nila sa tinatawag na "looban" o "squatters area". Hindi naman kami squatter dahil kahit pano, nakapagpundar ang lolo ko ng lupa pero dahil malapit ang lugar namin sa kanila, sila ang nakalakhan kong mga kalaro noong bata pa ko. Masasabi kong iba talaga ang buhay sa "looban". Yung tingin ng iba ay kuta ng lahat ng patapon na at walang magandang maibubunga sa lipunan. May punto naman sila. Pero ang mali lang sa punto nila,  nakalimutan nila na tao rin ang mga ito. Na may buhay din, may mga pamilya at nagmamahalan. Marami ako sa mga nakasalamuha dun ang maayos na ang buhay at nagcocontribute na rin sa lipunan natin sa abot ng kanilang makakaya habang nabubuhay ng marangal kasama ang kanilang mga pamilya. May iba na mas busilak pa ang puso kesa sa karamihan sa nangmamata sa kanila. At marami sa kanila ay nakapagturo din sa kin ng maraming aral sa buhay kaya ko narating ang kung ano ang sitwasyon ko ngayon.

Naisip ko bigla, paano kung yung paguusap namin ng kaibigan ko na yun noon ay nangyari ngayon? Paano kung natiktikan siya galing sa pag-pot session nila at nasundan siya pauwi? 2am yun, napadaan siya sa may amin. Naguusap kami ng ganong oras. Kaming 2 lang ang taong gising. Sya ay sabog, at ako naman ay nakashorts at sando lang at patpatin ang katawan na puede na ring ihalintulad sa adik ang hulma. Paano kung hinuli kami? Paano kung di lang huli? Paano kung mga vigilante ang bumanat sa min?Paano kung sabihin na adik at pusher kami pareho na nakasulat sa cardboard? Kung sasabihin ng pamilya ko na di ako nagddrugs, may  maniniwala kaya? Sasabihin kaya ng mga tao na "2am, nasa labas, naguusap tapos sabog pa yung isa. May inosente ba na gising ng ganong oras at nakikipagusap sa sabog? E baka nagsisimula pa lang tumira kaya di pa siya tinatamaan. o baka siya pa mismo nagbebenta.". Parang ganyan siguro ang magiging opinyon ng tao sa min.

Naisip ko rin, yung mga ganitong kwento kaya ng mga posibleng inosenteng tao na nadadamay, mapapahinto kaya nyan yung mga nagsasabi na "Mga sindikato lang din yan na nagpapatayan. Inuunahan na nila bago makakanta pa. Isip isip naman kasi ng konti. Wag puro sisi.". Sa toto lang, nakakapagod na rin itong marinig lalo na at kala mo e sila pa lang ang taong nakaisip at nakapagsabi nun. Or maybe these stories of possibly innocent people that were killed will make them start considering the thought na "E pano kung yung mga matitino na pala ang pinapatay ng mga sindikato tapos sila ang palalabasing masama para happy happy pa rin sila" o kaya eh "paano kung nadamay lang pala talaga yung iba?". The President, the Chief PNP and now the DOJ Secretary also informed us na may patong na ang ulo nila. Matataas na tao na sila. Kaya nilang maprotektahan ang sarili nila pero tinatarget pa din sila dahil alam ng mga masasama na malaking bagay pag nawala sila. Pero since mahirap silang targetin, tingin nyo ba hindi puedeng targetin yung mga leaders na mas mabababa? Yung mga assets? Yung mga pulis nating tapat sa serbisyo? At pagkatapos ay sila ang palalabasing masama pag nagawan na sila ng di kanais nais?



And also, I appreciate all the good changes. I welcome all the good things that is happening now. Yung sa kalinisan, disiplina, pag-alis ng red tape, etc. Maganda lahat yan. I'm saying this as this might hold down the guards of the defensive ones. This post is not about the president.  It's not about the police or the justice system. I'm sure na kung may political will ang leaders natin, mahahanapan nila ng solusyon ang lahat ng epekto ng nangyayari sa bansa. 





Hindi ito tungkol sa kanila. Tungkol ito sa mga totoong nangyari at nangyayari sa paligid.  It's also about us holding on to our morality and sanity amidst the bombardment of stories of violence that could lead us to either in an outrage against it or to a totally desensitized person having zero empathy for others. Mahirap ang maging walang pake, lalo na pag ikaw na ang sumunod na biktima at malaman mo at huli na na yung ibang tao ay wala na rin palang paki sa yo.

No comments:

Post a Comment