"Ano girl? Kausapin mo ba? Feeling ko siya talaga yun eh. Chineck ko profile at mukhang legitimate" tila naeexcite na sabi ni Jane kay Karla habang kausap ito sa cellphone.
"E ano kung siya? Ano gusto mo, sabunutan ko? Yan may kasalanan ng lahat kaya ako nagkakaganito ngayon. Yang pagiging ungentleman nya ang rason kaya ako ngayon ginaganito ng mga tao." Inis namang sagot ni Karla sa kaibigan sa telepno habang nakaharap sa salamin sa loob ng kanyang kwarto at nagsusuklay. Nabasa na ni Jane ang message ni Ryan kaya agad niyang pinarating ito sa kaibigan. Pero di na siya nagulat na ito ang magiging reaksyon ng kaibigan.
"So ano. Deadma na muna itong si boy ha. Di ko na lang reply-an. Pero mukha naman siyang mabait." Sabi ni Jane sa kaibigan.
"May mabait bang hindi gentleman? Hay naku Jane, tama na nga. Di ako interesado sa mokong na yan. Pag nakita ko yan, baka bigwasan ko pa yang pagmumukha nyan." singhal ni Karla.
"O tama na girl. Baka ako na awayin mo ha. Ako naman ay nagrereport lang. Baka lang kasi gusto mo siya makausap para mas madali ka makaganti." Biro ni Jane kay Karla. Pero medyo natakot na rin siya at baka nga pati siya ay madamay sa halatang pikon na pikon nang kaibigan. Kaya pinutol na rin nya ang usapan. "Sige sis, may gagawin pa rin ako. Yaan mo, di ko sasagutin tong kumag na ito. Manigas siya. Syempre tayo ang kampi. Ano kala nya ha. O sige, byers na."
"Sige sis. Tama, wag mo pansinin yan. Baka mamaya pag kinausap mo yan e ikaw naman susunod na maging trending sige ka. Bye bye na. Mwah." paalam din ni Karla sa kaibigan.
Hindi pa naibaba ni Karla ang phone, tumunog na naman ito. May pumasok na text message. Akala nya ay si Jane uli.
"Kmusta na Karla? Sana di ka naman sinipon o inubo. Nice meeting you by the way. Sana magkita tayo uli. :)."
"O sino na naman to?"
Di pa tapos sa iniisip si Karla ay may kasunod nang message agad.
"Si Gerald to. I hope naaalala mo pa ko. Pasensya ka na at hiningi ko kay insan Jane yung number mo. Wag ka magalit sa kanya ha. Pinilit ko lang talaga siya. Sabi ko good boy naman ako at walang gagawing masama sa number mo. :)"
Tila nakalimutan na ni Karla kung sino ito pero naalala nya nung binanggit ng nagtext na pinsan siya ni Jane.Nag isip muna si Karla kung magrereply ba siya. Gusto sana nya mainis kay Jane dahil pinamigay yung number nya pagkatapos na muntik pa siya ipakausap dun sa lalakeng di siya pinaupo sa tren. Pero parang di naman siya nainis talaga sa pagbibigay ng number nya kay Gerald.
"Hi Gerald. Ok lang naman. Di naman ako sinipon. Salamat sa pangangamusta. Salamat din uli sa pagpapasilong sa kin last time ha."
"Walang anuman Karla. By the way, may lakad ba kayo uli nila Jane this weekend?" Tanong ni Gerald sa dalaga.
"Wala naman. Busy din kasi ang barkada kaya ako stay lang muna sa bahay. Bakit mo natanong?" Reply ni Karla
"Ah, ganon ba? Baka lang kasi magagawi ka sa Eastwood uli. Or kung ok lang sa yo, yayain sana kita to go somewhere para magchill. Wala rin kasi ako gagawin sa weekend. And nabitin din ako sa kwentuhan natin last time." yaya ng binata.
Hindi alam ni Karla ang isasagot. Parang nagugulat siya sa mga sinasabi sa kanya ni Gerald sa text. Sasama ba siya o ano. Sasabihin ba nya kay Jane ang pagyayaya ni Gerald? E baka mainis si Gerald sa kanya pag nalamang kinakalat pa nya na nag-aaya siya sa kanya? Pero di pa rin maintindihan ni Karla kung bakit kakaiba rin ang nararamdaman nya sa pagyayaya ni Gerald sa kanya. Di pa rin siya makapagreply.
Samantala, sinilip ni Ryan ang message box nya sa FB. Tiningnan nya kung may reply na si Jane.
"Putsa, na seenzoned ang message ko. Walang reply. Wala na ata akong pag-asa talaga na makita uli si Karla." malungkot na sabi ni Ryan sa sarili. "Pero at least di pa ko binoblock nitong Jane sa Facebook. Mukhang need ko mag stalk para makagawa ng paraan na makita uli si Karla."
No comments:
Post a Comment