Nacurious din siya sa dami ng shares at comments sa mismong post. Binasa nya ang ilan. Huminga muna siya ng malalim dahil inaasahan na nya ang mga maiinit na salita laban sa kanya dahil nga sa di nya pagiging gentleman para kay Karla.
"Kasalanan ko naman kasi eh. Kalalake kong tao, di ko man lang siya pinaupo. Ano kayang mga insulto ang sasabihin ng mga tao sa kin?"
--"grabe ka naman makalait na babae ka, kala mo kagaganda mo."
--"ano feeling mo, entitled ka nang paupuin dahil babae ka? feeling ka masyado. lakas mo pa manlait."
--"pokpok ka palang babae ka. Kung makapagsalita ka sa kapwa mo kala mo kung sinong malinis"
Napaatras si Ryan sa nabasa. Hindi nya akalain na ang maraming comments pala ay patungkol lahat hindi sa kanya kundi kay Karla. At siya ang nakakuha ng simpatiya ng mga tao. Natuwa siya sa nangyari. Sa kabilang banda, nalungkot siya. Naalala nya si Karla. Si Karla pala ngayon ang pinagkakaisahan ng mga tao. Oo, tama naman sila. Medyo nakakainsulto ang mga sinabi ni Karla sa kanya. Pero sa kanya, alam nya na siya rin kasi talaga ang may kasalanan. Nabahag kasi ang buntot nya. At yung pagtingin nya ng pasimple ang siguro nakagalit din kay Karla lalo. At naisip pa nya e baka naalala pa nito yung pagkakatapak nya sa sapatos nito nung nakaraan.
"Hay, ano ba gagawin ko? Andami kong naiisip tuloy. May mga nagpost na rin ng pangalan ko. Malamang kilala na ko ni Karla. Pero paano na siya? Teka, imessage ko siya ng makahingi ng paumanhin."
Nang susubukan na nyang imessage ito, di na nya nagawa dahil nadeactivate na pala ni Karla ang pag accept ng mensahe mula sa ibang tao. Walang nagawa si Ryan kundi magisip kung pano aayusin ang gusot. At iniisip din nya kung pano nya muling makikita si Karla.
Click here for the other parts:
Part 1 of MRT Serye
Part 3 of MRT Serye
Please like our page para din po makaupdate kayo agad sa kasunod na mga kwento
-> Libreng Kwento Daily
No comments:
Post a Comment