"Ano girl? Kausapin mo ba? Feeling ko siya talaga yun eh. Chineck ko profile at mukhang legitimate" tila naeexcite na sabi ni Jane kay Karla habang kausap ito sa cellphone.
"E ano kung siya? Ano gusto mo, sabunutan ko? Yan may kasalanan ng lahat kaya ako nagkakaganito ngayon. Yang pagiging ungentleman nya ang rason kaya ako ngayon ginaganito ng mga tao." Inis namang sagot ni Karla sa kaibigan sa telepno habang nakaharap sa salamin sa loob ng kanyang kwarto at nagsusuklay. Nabasa na ni Jane ang message ni Ryan kaya agad niyang pinarating ito sa kaibigan. Pero di na siya nagulat na ito ang magiging reaksyon ng kaibigan.
"So ano. Deadma na muna itong si boy ha. Di ko na lang reply-an. Pero mukha naman siyang mabait." Sabi ni Jane sa kaibigan.
"May mabait bang hindi gentleman? Hay naku Jane, tama na nga. Di ako interesado sa mokong na yan. Pag nakita ko yan, baka bigwasan ko pa yang pagmumukha nyan." singhal ni Karla.
"O tama na girl. Baka ako na awayin mo ha. Ako naman ay nagrereport lang. Baka lang kasi gusto mo siya makausap para mas madali ka makaganti." Biro ni Jane kay Karla. Pero medyo natakot na rin siya at baka nga pati siya ay madamay sa halatang pikon na pikon nang kaibigan. Kaya pinutol na rin nya ang usapan. "Sige sis, may gagawin pa rin ako. Yaan mo, di ko sasagutin tong kumag na ito. Manigas siya. Syempre tayo ang kampi. Ano kala nya ha. O sige, byers na."
"Sige sis. Tama, wag mo pansinin yan. Baka mamaya pag kinausap mo yan e ikaw naman susunod na maging trending sige ka. Bye bye na. Mwah." paalam din ni Karla sa kaibigan.
Hindi pa naibaba ni Karla ang phone, tumunog na naman ito. May pumasok na text message. Akala nya ay si Jane uli.
"Kmusta na Karla? Sana di ka naman sinipon o inubo. Nice meeting you by the way. Sana magkita tayo uli. :)."
"O sino na naman to?"
Di pa tapos sa iniisip si Karla ay may kasunod nang message agad.
"Si Gerald to. I hope naaalala mo pa ko. Pasensya ka na at hiningi ko kay insan Jane yung number mo. Wag ka magalit sa kanya ha. Pinilit ko lang talaga siya. Sabi ko good boy naman ako at walang gagawing masama sa number mo. :)"
Tila nakalimutan na ni Karla kung sino ito pero naalala nya nung binanggit ng nagtext na pinsan siya ni Jane.Nag isip muna si Karla kung magrereply ba siya. Gusto sana nya mainis kay Jane dahil pinamigay yung number nya pagkatapos na muntik pa siya ipakausap dun sa lalakeng di siya pinaupo sa tren. Pero parang di naman siya nainis talaga sa pagbibigay ng number nya kay Gerald.
"Hi Gerald. Ok lang naman. Di naman ako sinipon. Salamat sa pangangamusta. Salamat din uli sa pagpapasilong sa kin last time ha."
"Walang anuman Karla. By the way, may lakad ba kayo uli nila Jane this weekend?" Tanong ni Gerald sa dalaga.
"Wala naman. Busy din kasi ang barkada kaya ako stay lang muna sa bahay. Bakit mo natanong?" Reply ni Karla
"Ah, ganon ba? Baka lang kasi magagawi ka sa Eastwood uli. Or kung ok lang sa yo, yayain sana kita to go somewhere para magchill. Wala rin kasi ako gagawin sa weekend. And nabitin din ako sa kwentuhan natin last time." yaya ng binata.
Hindi alam ni Karla ang isasagot. Parang nagugulat siya sa mga sinasabi sa kanya ni Gerald sa text. Sasama ba siya o ano. Sasabihin ba nya kay Jane ang pagyayaya ni Gerald? E baka mainis si Gerald sa kanya pag nalamang kinakalat pa nya na nag-aaya siya sa kanya? Pero di pa rin maintindihan ni Karla kung bakit kakaiba rin ang nararamdaman nya sa pagyayaya ni Gerald sa kanya. Di pa rin siya makapagreply.
Samantala, sinilip ni Ryan ang message box nya sa FB. Tiningnan nya kung may reply na si Jane.
"Putsa, na seenzoned ang message ko. Walang reply. Wala na ata akong pag-asa talaga na makita uli si Karla." malungkot na sabi ni Ryan sa sarili. "Pero at least di pa ko binoblock nitong Jane sa Facebook. Mukhang need ko mag stalk para makagawa ng paraan na makita uli si Karla."
Tuesday, August 30, 2016
Nasaan kayo, CHR?
Muntik na ko makulong noong college. Hindi ito alam ng pamilya ko at ilan lang sa mga kaklase ko din ang may impormasyon dito. Dalawa kami magkasama noon ng kaklase ko. At siya yung natuluyang makulong at ako yung gumawa ng paraan para makalabas siya. Ito yung isang araw sa college life ko na parang panaginip lang na halos makalimutan ko na sana pero bumalik lang sa memories ko dahil na rin siguro sa mga usapan ngayon. At ok na rin lang malaman ng mga pamilya namin dahil matagal na naman nangyari at malamang di na rin ito mabasa nung mga gumawa sa min ng di maganda. 2004 pa kasi yun. Mabasa man nila,baka di na rin naman nila kami maalala kasi baka marami na silang ginawan ng ganyan. At isusumbong ko din sila sa mga kaibigan, kamag anak at kapitbahay ko na matitino at tapat sa serbisyo sa kapulisan, hindi tulad ng mga ito na ikkwento ko.
Nakasakay kami ng jeep galing PUP Sta. Mesa, gabi na siguro mga 9:30PM. Rutang Quiapo-Pasig, pababa kasi kami ng crossing tapos dun na kami magkakanya kanyang sakay nung kaklase ko. Itago na lang natin sa pangalang "John" yung kaibigan ko. Si John kasi nagyoyosi. So nung pumara kami ng jeep at bakante ang unahan, dun kami naupo sa tabi ng driver. At siya yung nasa pinaka-outer na upuan para makapagyosi. Oo. Mali yung magyosi sa jeep. Sa kanya kayo magalit, wag sa kin kasi di naman ako naninigarilyo. Anyway. Paubos na naman ang yosi nya. Di pa kami nakakalayo, tinapon nya yung cigarette butt. Sakto na may malapit na nakatayong pulis dun sa pinagtapunan nya. Pinara ng pulis ang jeep.
Walang nagawa ang driver at pagkatapos, pinababa yung kaibigan ko. Sumama ako syempre. Mabilis ang pangyayari at dinala kami sa station na walking distance lang sa pinangyarihan. Humingi ng sorry yung kasama ko dahil ang una talaga naming naisip ay yung pagsisigarilyo nya at pagtatapon ang dahilan. Pagdating sa presinto, hiningi ang mga pangalan namin. Hiningian kami ng ID. Pinakita namin student IDs namin. Graduating pa kami nun. At pagkatapos magsulat sa logbook, tinuro kami papuntang selda dun sa isa pang kasama nila. Nagulat kami pareho. Pero sinabi nung nagsama sa min sa istasyon na yung isa lang daw. Sabi ko rin na kung pagyoyosi ang kaso,di naman ako naninigarilyo at sinamahan ko lang yung kasama ko. Pinasok na nga si John sa selda na may lamang ibang mga nahuli nila malamang ng gabi na yun na kung hindi snatcher, holdaper, atbp. Awang awa ako sa kasama ko na nakaupo na lang dun at di alam ang gagawin. Mukhang helpless na kasi ang makiusap sa point na yun.
Tinanong ko dun sa nasa desk kung ano ba kaso at bakit niya kinulong ang kasama ko. Sabi ay ordinansa daw yun against smoking. Sabi ko kung ordinansa, may papel ba sila na mapapakita na dapat ikulong yung tao dahil lang nagsigarilyo o nagtapon ng upos. Ang pinakita sa kin ay newspaper clipping na nakadikit sa pader. Pinuna ko na wala naman nakalagay dun na may dapat makulong. Obviously, malabo naman talaga na kulong ang parusa sa ganoong kababaw na dahilan. At parang naiinis na rin yung isa sa pagtatanong ko. Tinakot ako at sinabing pagdating ng madaling araw, ililipat na raw sa city jail yung kaklase ko. Sabi ko ay wag naman sanang ganon dahil wala namang masamang ginawa yung tao. Tinanong ko kung ano ang puede kong gawin para mapalabas yung kasama ko.
5000 pesos daw para mapalabas siya bilang "piyansa". Sabi ko masyadong malaki, wala kaming perang ganon dahil unang una, PUP student lang kami at pamasahe na lang ang natitira. Kung ganon daw ay wala silang magagawa at matutuloy yung "kaso". Natakot din ako sa sinabing yun dahil nga graduating kami at magboboard exam pa soon. Naisip ko na posible ring makaapekto yun sa records namin in the future at baka madamay pa ako dahil pati ID ko ay kinuha at sinulat sa log book. Sabi ko ay pilitin kong tawagan kamag anak ng kaibigan ko. Nilapitan ko si John at binigay nya ang number ng kuya nya na taga Mandaluyong. Kaso ay di namin macontact ang cellphone nito. Malayo pa ang inuuwian nya sa Muntinlupa at di rin sigurado kung may mareready bang 5000 yung kapatid nya dun at mukhang di na rin aabot kung totoong dadalhin siya sa City Jail ng madaling araw.
Naging desperado na ko at sinabi ko na lang sa mga pulis na aalis na muna ko at maghahanap sa mga kakilala namin. Naisip ko yung isang professor namin kaso di ko siya nakita noon sa boarding house nya. Kalapit ng boarding house ng prof namin yung boarding house ng misis ko na gf ko pa lang noon at yung gf din ni John at ilan pa naming mga kaibigan at kaeskwela ay doon din nagboboard. Nakaipon kami ng kung di ako nagkakamali, around 2000-3000 pesos. Yun na lang talaga ang kaya at pigang piga na talaga lahat.
Dinala ko ito pabalik sa station. Buti at pumayag dun sa dala kong amount at pagkatapos, pinalabas na rin si John. Bago kami umalis, sinabihan pa kami na wag na namin uulitin yung ginawa namin at wag din naming ipagsasabi ito sa iba kung ayaw naming matuloy yung kaso ni John. Pareho pa namang nakuha ang identity namin ni John dahil sa mga ID namin.
Pag alis namin ay galit, inis , kawalang gana at tiwala sa sistema ang naramdaman ko. Ilang beses na ko nakaranas ng holdap, snatch at pandurukot. Sa pulis ako tumatakbo pag may nangyayaring ganito dahil yun ang tama. Pero sa nangyari, nanlumo ako. San na ko magtitiwala ngayon? Di ko alam. Tumahimik na lang kami. Tutal pagraduate na rin kami nun. Di na lang namin pinagusapan pa uli yung nangyari. Pero sa loob loob ko, may panahon din na mababawi namin yung nangyari na yun at di na mauulit pa.
So nasan si CHR? Actually, nauumay lang talaga ako kakapaliwanag minsan. Pero di ako magsasawa magexplain hanggat di pa rin naiintindihan ng iba na si CHR ay kakampi natin, kakampi rin ng mga tapat na pulis, at kakampi ng mga inosente. Hindi siya kakampi ng kriminal tulad ng sinasabi ng iba.
Paanong pumasok si CHR sa kwento ko? Dahil yung nangyari sa min, ganong kaso pala ang mga hinahawakan nila. Kaso di pa namin alam yun. Sa nangyari kasi na yun, mahirap sa dayong tulad namin ang magsumbong kami sa ibang mga pulis na assigned din dun sa lugar. Pano kung mas paniwalaan nila sila kesa sa min lalo at mukha pa kaming patpating walang makain nung time na yun at baka mapagkamalan pang nangttrip lang? At paano kung kasabwat din pala ang matyempuhan namin? Pero paano naman kung matino pala ang makausap namin at tulungan kami sa nangyari? Puede mangyari kahit ano. At yun ang point. Nabahiran kasi ang tiwala kaya di mo na alam kung ano ang gagawin sa nangyaring yun. So paano na ngayon?
Ganito. Parang sa opisina lang yan. May problema ka sa isa sa mga managers. May manyak na manager. May power tripper. May nagpapagawa ng di tama. May gumagawa ng di tama. Kanino ka magsusumbong? Sa iba pang manager? E pano kung kaibigan pala nya yun? Pano kung di ka paniwalaan nung manager na pagsusumbungan mo at mas may tiwala siya dun sa colleague nya? So dyan naman papasok si HR. O di ba, katunog pa. HR. CHR. Andaling tandaan di ba?
Ganoon din sa mga kaso ng CHR. Pag umabuso yung enforcers, at this case mga pulis, saka pa lang puede takbuhan si CHR. Sila ang nag eensure na ang batas ay naipapatupad ng tama at walang inaapakang karapatan ng kahit sino, kahit pa suspect pa lang dahil posibleng yung suspect na nahuli o napangalanan ay inosente pala. Halos walang pinag-iba yung trabaho ni CHR at HR.
Pano naman kung sa opisina ay may pala-absent, may palpak sa trabaho, may gumagawa ng kalokohan, may nandadaya? Ang proseso kadalasan dyan, diretso yan sa management. Or pag si management ang nakakita, siya na mismo huhuli at magpaparusa. Magbababa ng memo o kaya magsususpinde o magteterminate. Pero sa tulong na rin yan ng HR para lang din masiguro na yung ipapataw na parusa ay according sa labor code. Parang krimen, syempre, ang takbo natin sa pulis pag may holdapan, nakawan, patayan o rape. Dahil sila ang tagapagpatupad, tagabantay at tagahuli. Si CHR naman, puede siyang takbuhan kapag may mga ginawa yung nagpapatupad na taliwas sa batas na posibleng imbes ika-solve ng kaso, madagdagan pa uli ng isang biktima dahil may tinorture pala at pinilit umamin para lang masabing case solved.
Si HR at CHR, tagapamagitan naman at neutral ground para masilip kung ginagawa ba ng tama ang process.
Malabo pa rin ba? Ewan ko. Anlabo talaga kasi ng iba sa tin kahit andali naman. Ang post na ito, hindi ito paninira sa pulis. Saludo ako sa mga pulis. Ito ay paglalahad lamang ng totoong pangyayari na may mangilan ngilan na naliligaw ng landas at gumagamit ng kapangyarihan para lumabag din sa batas. Kung sa matitinong pulis, marami na rin akong naencounter tulad ng nanakawan ako ng phone ng ipit gang sa crossing, sa kanila ko tumakbo. Sa kanila din ako nagreport nung nangyari na natutukan kami ng baril ng isang lasing habang naglalakad sa may gas station sa may Antipolo, ng may nagtangkang magbukas ng bag ko sa may Cubao, ng minsan ng may nagpaputok din ng baril malapit sa subdivision namin. At yung sa pinsan namin na hepe naman sa aming probinsya ay nahingan din namin ng tulong ng minsang bugbugin naman yung pinsan ko sa may Pasay. Andyan sila para magserbisyo. Mukha ba kong lapitin ng gulo ayon sa kwento ko sa taas? Sa nakakakilala sa kin, di siguro aakalain na naencounter ko ang mga yan. Sasabihin ng iba na matino naman akong tao. Well, sabi ng iba, ano ang ikakatakot natin kung matino tayo? Ayan na nga. Kahit anong tino, may makakasalamuha pa rin tayong mga pasaway, sibilyan man o nakauniporme. Pero ang maganda dun, mas marami pa rin sa nakauniporme at sibilyan ang matitino at mababait.
Pero nakakalungkot at may mga naliligaw lang talaga ng landas na imbes magprotekta, sila pa yung gumagawa ng mali sa tao. At kung meron man kayong maencounter ng mga tulad nito na sabi nga ni Gen. Bato ay "scalawags" o "ninja" at nangyari sa lugar na dayo lang kayo at wala kayong kakilalang pulis dun sa lugar, kanino kayo puede magsumbong na tingin nyo e neutral? O, e di sa CHR. O, nasan kayo ngayon ha CHR?

Saturday, August 27, 2016
MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 5)
Sabado ng umaga at walang pasok si Ryan sa
eskwela. Hapon pa ang shift nya sa pinapasukang trabaho kaya di muna
bumangon agad mula sa kanyang magulong kama. Di na halos
maayos ni Ryan ang kwarto sa araw araw dahil sa pagod at puyat ng sabayang
pag-aaral at pagttrabaho.
“Ryan, bangon na.
Handa na ang almusal.” Tawag ng kanyang Nanay Gina mula sa kanilang
kusina. Maliit at simple lang ang kanilang tirahan kung kaya dinig na dinig
mula sa kwarto ang tawag ng kanyang ina.
”Sige po
nay. May aayusin lang po ako saglit. Mukhang masarap nga po ang luto nyo. Amoy na
amoy ko yung tocino dito sa kwarto. Nagsangag po ba kayo?” Sagot ni Ryan.
”Oo anak.
Kaya bumaba ka na dyan. Minsan ka na lang makakakain ng almusal ng maayos. Araw
araw ka na lang nagmamadali sa pagpasok. Dali na at ng di lumamig itong
pagkain.” Lambing ng kanyang ina.
”Ok nay,
pababa na po.”
Bago bumaba, nag open muna ng Facebook account si
Ryan sa kanyang cellphone. Nawala na sa isip nya ang nangyari sa kanya nung
isang araw. Pero pagbukas nya ng account, nakakita na naman siya ng
napakaraming notifications mula sa messages mula sa nagbibirong mga kaibigan
hanggang sa mga tagged posts sa kanya. Pagbukas nya ng isang link, nakita na
naman nya ang picture ni Karla.
“Kmusta na
kaya sya?” Bulong ni Ryan sa sarili. Nagscroll siya pababa at nakita na
naman nya ang masasakit na mensahe patungkol sa babae. Nalungkot siyang muli at
naawa kay Karla. Muli na naman nyang sinisi ang sarili. Isasara na sana nya ang phone para
bumaba na at kumain ng may isang komento na tumawag ng kanyang pansin.
Jane Fuentes :
Please lang po. Tigilan nyo na sana
ang pambubully. Kilala ko personally si Karla at hindi po siya tulad ng
inaakala nyong babae. Nagkamali po siya sa ginawa nya at nagsisisi na siya.
Pero itigil nyo na ang panghuhusga. Lahat naman nagkakamali eh. Wala namang
malinis.
Maraming sumagot sa comment ni Jane. Karamihan ay
galit at pati ito mismo ay nabully na rin ng mga tao. Gusto na sana nya sumagot din para patigilin ang mga
tao. Pero naisip niya, baka akalain na pekeng account lang siya na ginamit pa ang
pangalang Ryan para lang patigilin ang mga tao. Naisip niyang puntahan ang
profile ni Jane. Nakapublic ang privacy setting nito kaya
nagscroll siya saglit sa profile ni Jane. Agad agad, nakita nya ang isang pamilyar
na babae sa isa sa mga Timeline photos nito. Si Karla.
Nabuhayan agad ng pag-asa si Ryan na makausap si Karla
sa pamamagitan ni Jane. Nagclick agad siya sa message button. Offline. Pero di na
siya nag-isip at agad siyang nag iwan ng message dito.
Ryan: Hi Jane.
Kmusta? Hindi mo ako kilala pero gusto sana
kitang makausap. Nakita ko yung comment mo sa isa sa mga posts. Ako si Ryan. Yung
lalake na pinost ng kaibigan mong si Karla. Hindi ako galit sa kanya. Ang totoo ay gusto ko sana siyang makausap at makahingi din ng
tawad sa nangyari. Puede mo ba ko tulungan na makausap siya? Nakikiusap ako. Sana ok lang siya.
Salamat Jane.
“Sana ay pansinin nya ang message ko. Baka kasi
maisip nya na fake account lang ako at nagsasamantala sa sitwasyon. “
“Ryan, asan ka na?” Tawag muli ng nanay nya.
“Pababa na
po nay. Saglit lang”
At bumaba siya na umaasa na ito na nga sana ang pagkakataon na
makausap at makilala na nya si Karla, ang babaeng kanyang hinahangaan subalit
natagpuan nya pa sa pinaka di inaasahang pagkakataon.
Monday, August 22, 2016
Matalinaw Sana
Nung isang biyernes ng hapon while submitting some papers at Sun Life
Antipolo office, a woman probably at her 50s greeted me then ngumiti din
ako. Di ko sya kilala. Then tinitingnan pa rin nya ko at di na nakatiis
at nagtanong dahil parang kilala daw nya ko and familiar itsura ko. I
told her politely na di ako sigurado or maybe baka younger brother ko
yun at lagi kasi kami napagkakamalan. Sabi nya siguro nga raw.
Dalawang araw ang lumipas, habang nagpapa-gas naman sa Petron Antipolo, isang gas boy ang lumapit at kinumusta ako. Nanganak na daw ba ang misis ko. Sabi ko teka lang, di naman buntis wife ko. And naalala ko yung sis in law ko kakapanganak lang last month. Sabi ko baka brother ko yung nakikita nya at wife nya. Mas madalas din kasi ako sa Shell magpa-gas. Napaatras sya at tiningnan bigla yung kotse and narealize nya rin siguro na iba pala. Sabi ko buti wala misis ko nun kundi baka inaway pa ko dahil may buntis pala akong sinasakay na iba. Nagsorry sya pero natatawa kami pareho.
Naisip ko din, buti na lang at pareho kaming law abiding citizens at matitinong tao ni utol. Kung may isa pala sa min ang naging lokoloko o kaya ay napag-initan ng mga sindikatong siraulo, mas ok kung magiging mas malinaw ang mata at magaling mag identify ang mga vigilante nila at mga gun for hire kesa sa mga financial advisors o mga gas boys

Saturday, August 13, 2016
MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 4)
Hindi agad bumangon si Karla mula sa pagkakabagsak sa sahig. Hindi rin nya inabot ang kamay ng lalake na nakabangga nya. Takot at hiya ang nararamdaman nya ngayon sa sarili at para bang wala na siyang pakialam sa mundo. Gusto na lang nya na maglaho na parang bula at mawala ng tuluyan sa paningin ng iba dahil nga sa mga nangyari sa loob lang ng isang araw.
"Miss? Sorry talaga. Pasensya na at di rin ako masyadong nakatingin sa dinadaanan ko. May masakit ba sayo? Samahan kita sa may clinic dun sa may Cybermall. Lakad lang tayo ng konti. Pasensya na talaga miss." Pag-aalala ng lalakeng nakabangga.
Tumayo si Karla ng mag isa at dumiretso naglakad palabas ng coffee shop. Nagulat ang lalake at siya'y sinundan. Bago pa man nakalayo si Karla, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala sa sariling huminto sa gitna ng malakas na pagbuhos si Karla at kasabay ng patak ng ulan ang kanyang luha sa mga mata. Hindi nya napansin na sumunod sa kanya ang lalake at binuksan ang dala nitong payong para siya ay masilungan.
"Miss, baka imbes na bali sa buto, e sipon o trangkaso naman ang maging sakit mo. Kasalanan ko lahat ito. Wag ka na magpabasa, sumilong na muna tayo dun. Wala ka bang ibang kasama? Gusto mo samahan na muna kita ngayon? Mukhang mas mabigat pa sa pagkakabangga ko sa yo kasi yung dinadala mo."
Biglang parang bumalik ang senses ni Karla sa mundo. Sa narinig nya mula sa lalake, napagtanto nya na hindi naman pala lahat ng tao ay kilala na siya dahil sa nangyari. Pero naisip nya pasasaan ba't malalaman din ng lalakeng ito kung sino sya. Pero sa unang pagkakataon matapos ang nangyari kahapon, nagawa nyang lumingon at humarap sa isang estranghero nang walang takot. Nakita nya ang di katangkarang lalake, tantya nya ay mga 5'6" ang taas. May kapayatan pero maaliwalas ang mukha, mabilog na mga mata at di masyadong katangusan na ilong. Nakangiti itong nakatingin sa kanya subalit kita ang bahid ng pag-aalala.
"I'm sorry at sa ganitong paraan pa tayo nagkakilala. Anong name mo miss? Gerald." Pagpapakilala ng lalake sa kanya sabay abot ng kamay.
"I'm Karla. Salamat. Wala ka naman dapat ipagsorry. Kanina ka pa nga nagsosorry sa kin. Ako naman din ang may kasalanan at nagmamadali akong lumabas kanina kaya yan, nabangga kita." Sabay abot din ng kamay para makipagshake hands. At sa unang pagkakataon ay napangiti muli siya.
"Ayan, nagsmile ka na. Simula kanina kasi ay puro pag-iyak lang ang nakita ko sa yo. Lipat na kaya muna tayo dun sa may silong. Masyado na malakas ang ulan at maliit lang ang payong ko." Sagot ni Gerald.
"Sige, pero baka puede bitawan mo rin muna yung kamay ko?" sa tonong hindi naman galit pero nakikiusap na may ngiti pa rin ni Karla.
Natawa si Gerald sabay bitaw sa kamay ni Karla "Ay sorry. Oo nga. Dun na lang uli sa coffee shop?"
Mabilis at napapailing pang tumanggi si Karla "Wag na dun. Dun na lang sa kabilang side. Itetext ko na rin mga kaibigan ko para dun na lang ako puntahan. Sige baka may lakad ka pa at naistorbo pa kita. Salamat Gerald. "
Akmang aalis na si Karla nang habulin siya ni Gerald. "Sandali, Karla. Tatakbuhan mo na naman ako eh. Malakas pa rin ang ulan. Di naman ako nagmamadali. Ihahatid na kita ng payong hanggang dun sa pupuntahan mo."
Pumayag na rin si Karla at nagpasalamat. Dumiretso sila sa may katapat na Red Crab restaurant. Nagpasalamat muli si Karla kay Gerald. Ayaw pa sanang umalis ni Gerald dahil tingin nya ay mukhang may problema talaga si Karla. Ayaw nyang iwanan muna ito mag-isa sa pag-aalalang baka kung ano muli ang gawin nito. Subalit nag insist si Karla na parating na naman ang mga kaibigan kaya ok na siya. Nagpaalam na si Gerald ng biglang mula sa may tabi nila ay may biglang tumawag sa kanya.
"Uy Gerald, anong ginagawa mo dito?"
Napalingon si Gerald "Uy Jane. Andito ka rin pala."
Napalingon si Karla sa pamilyar na boses. "Jane? O andito na pala kayo. Itetext ko na sana kayo dahil dito na ko nagpunta. Baka kasi dun pa rin kayo sa Coffee Bean dumiretso. Teka. Magkakilala kayo?"
"Anlakas kasi ng ulan e. Saktong patawid na rin kami sana sa kabila ng bumuhos kaya yun. Dito na kami nagstay at patext na rin ako sa yo. At teka, ako dapat magtanong nyan eh. Pinsan ko yan si Gerald." Paliwanag ni Jane.
Kinagulat naman ito ni Karla. "Ah, small world ah. Ang totoo nyan Jane, dito lang din kami nagkakilala ni Gerald habang naghihintay sa inyo."
"Siya yung nakwento ko na dati sa yo na pinsan kong hopeless romantic pero sobrang pihikan naman sa babae. Hay naku." Dagdag pa ni Jane sabay tapik sa balikat ni Gerald.
"Grabe ka naman pinsan.Nilalaglag mo naman ako eh. Actually, kakakilala ko lang sa kanya at hinatid ko lang siya dito dahil nakita ko siyang inabot ng ulan kanina habang naglalakad. Kasabay ko halos siya kaya pinasilong ko na rin. Paalis na rin talaga ako kasi sabi nya nga may mga kaibigan pa siyang pupuntahan." Nahihiyang paliwanag ni Gerald. Di na rin nya sinabi ang nangyari sa Coffee Bean dahil di siya sigurado kung gusto bang malaman ni Karla ng mga kaibigan ang nakita nyang pag-iyak nito.
"Yung totoo? May ginawa ba sa yo itong si Gerald at parang mugto yang mata mo at basang basa ka pa ha? Ikaw Gerald, kahit pinsan kita, wag mong pagttripan itong bestfriend ko ha." Biro muli ni Jane.
"Uy hindi. Mabait nga si Gerald eh. Nabasa kasi ako sa biglang buhos ng ulan habang naglalakad ako. Wala pa naman akong payong. Maga rin mata ko kasi kanina nung naliligo ako sa condo e biglang nawalan ng tubig. Nahilam ako ng todo sa shampoo. Buti na lang saglit lang nawalan. Kakairita talaga dun sa min." Pagsisinungaling ni Karla.
"O siya siya. Ano insan, baka gusto mong sumama sa lakad namin? Oks lang naman maging one of the girls ka paminsan minsan. hahaha" Aya ni Jane kay Gerald na tumanggi naman sa paanyaya. "Wag na insan. Kakahiya naman. Baka may mga paguusapan pa kayong di ko dapat marinig. Hehehe. Saka may lakad din talaga ako. Bibili lang muna ko ng kape tapos sibat na rin ako."
"Sige Gerald, salamat uli ha. Ingat ka" Bilin ni Karla na kinabigla ni Gerald. "Ikaw din Karla, I mean kayong lahat nila insan. Ingat kayo. It's really nice meeting you."
At naghiwalay na nga sila ng landas ng gabing iyon. Dahil sa lakas ng ulan at nabasa na rin nga si Karla, napagkasunduan na lang nila Jane na tumuloy sa isa pang bahay ng kaibigan para dun na lang maglibang at magpalipas ng gabi. Mas gusto rin ni Karla ang suhestyon dahil nga ayaw nya munang mag ikot sa mga pampublikong lugar dahil sa mga naranasan.
"Bestfriend pala siya ni Jane. Ok lang siguro kung hingin ko ang contact number nya sa pinsan ko. O kaya kahit Facebook account. Pero ano nga kaya ang dahilan at umiiyak siya kanina?" Bulong ni Gerald sa sarili habang naglalakad pabalik sa Coffee Bean.
Click here for part 1 (sa mga di nasimulan ang ating fictional story)

Thursday, August 11, 2016
MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 3)
"Ayos lang ako no. Wala yan. Mga haters at bashers lang yan. Talagang kumampi pa sila sa ungentleman na lalake na yun. Salamat mga friendships pero oks lang ako". At binaba na ni Karla ang phone pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan ng bestfriend niyang si Jane. Nag-aalala kasi ito sa kanya dahil nga sa dami ng mga hate messages at pambabash na inaabot nya ngayon sa social media.
Palabang babae si Karla. Kaya ito rin ang gusto nyang ipakita ngayon sa kabila ng matinding dagok na nangyayari ngayon sa buhay nya. Ayaw nya makita at maramdaman ng mga kaibigan nya na nalulungkot sya sa nangyayari. Ngayon, mag isa siya sa kanyang condo. Nakaupo siya sa kanyang single sized bed na may pink na Hello Kitty cover habang nakatingin siya sa picture ng family nya sa may side table ng kama nya. Namiss nya bigla ang pamilya nya sa probinsya. At bigla lumabo ang kanyang paningin. Napuno pala ng luha ang mga mata nya ng unti unti.
"Hay naku, wala ito. Hayaan ko sila at magsawa sila kadadakdak dyan. Di naman sila yung nakaranas na tumayo ng matagal dun at mapahiya sa kakatitig nung manhid na lalakeng yun. Kala nya di ko napapansin pagtingin tingin nya sa kin. Di naman pala ko papaupuin. Buisit talaga." Sabay punas ng luha gamit ang kanyang mga kamay.
"Makaligo na nga lang muna. May gimik pa nga pala kami nila Jane mamayang 5pm. Makapag unwind muna at kailangan ko ito ngayon. Ayoko rin magisang mag mukmok dito. Tama na muna internet at facebook at naii-stress lang ako sa mga nababasa ko."
Pagkatapos maligo, gumayak na si Karla at bumyahe papunta sa Eastwood kung saan sila magkikita nila Jane at ng ilan pa nilang barkada. Iniwasan din muna nya ang sumakay ng MRT dahil sa kaba na may makakilala sa kanya. Lalo ngayon at kalat na kalat na rin ang picture nya sa Facebook. Nag UBER na lang muna siya para safe. Pero kahit dito ay nappraning pa rin siya dahil lumilinga linga yung driver sa kanya at parang napapangiti pa ito at parang may tinawagan pa sa cellphone nung inabot sila ng stop light sa bandang Katipunan at narinig nyang sinasabi na "oo pare, eto nakasakay sya. At least dito wala siyang kaagaw sa upuan" sabay tawa. "May problema po ba?" ang tanong nya para ipaalam na napansin nya ang nangyayari. Sagot nung driver ay wala naman, at nag-green na nga ang stop light at dumiretso na sila sa byahe.
Pagdating sa Libis, dumiretso siya sa napagusapang meeting place sa Coffee Bean sa may Eastwood Mall. Dahil sa nangyari kanina, medyo naging ilag si Karla na makipagtinginan na o magpakita ng mukha sa ibang tao. Posible kasi na makilala siya ng mga ito. Naghanap siya agad ng upuan dun sa may sulok. Dumiretso sya dun. Di tulad ng dati, umoorder agad siya ng paborito nyang Caramel Machiatto pero sa takot na baka makilala siya ng ibang customer, umupo na lang muna siya. Nakarinig siya ng tawanan sa may gilid nya. Isang grupo ng apat na lalake ang nakatingin sa lugar nya habang hawak ang smart phones. Dinig na dinig nya ang usapan. Sabi pa nung isa "Pare, ok daw yan. Sige na, lapitan mo baka pumayag kahit 500 pesos. O kaya baka kahit 100 pesos card pang MRT e puede na rin. hahahaha"
Ang karaniwang Karla ay matapang. Kung kahapon ito nangyari ay malamang na sinugod nya at sinampal ang lalakeng ito. Subalit iba ang naramdaman nya ngayon. Na nagiisa siya na kinukutya ng mga tao. Mga taong di naman siya lubusan na kilala pero ngayon ay hinuhusgahan nila. Pero naalala nya, siya rin kasi ang nagsimula. Siya na nanghusga sa lalaking di lang naman siya pinaupo sa MRT pero andami na nyang sinabi. Nilait pa nya pati ang itsura. Napagtanto nya na di nya rin naisip ang masasabi ng ibang tao sa kanya.
"Kasalanan ko rin. Oo, nagkamali ako. Pero ano na ang gagawin ko? Marami nang tao ang galit. Marami na ang nanghuhusga" At muling tumulo ang luha sa mga mata ni Karla. Tumayo siya at lumakad ng mabilis. Ni hindi nya nilingon ang grupo ng lalake dahil alam nya na tinatawanan lang sya ng mga ito. Mabilis siyang lumabas, lumuluha at di alam kung ano ang susunod na gagawin.
Dire-diretso siya sa pinto palabas at dahil sa di nya pagtingin sa dinadaanan, di nya namalayan na may isa palang lalake na papasok naman sa loob ng coffee shop. Nabangga nya ito at siya ay napaupo sa sahig dahil sa nangyari. Nagtawanan ang mga tao dahil sa eksena.
Hindi agad nakabangon si Karla sa nangyari. At tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Nang inabot ng lalake ang kanyang kamay mula sa pagkakaupo nya sa sahig.
""Miss, ayos ka lang? Pasensya ka na. Di rin kita nakita agad. Masakit ba? Bakit ka umiiyak?"
Part 1 of MRT Serye
Part 2 of MRT Serye
Bukas po ang katuloy ng ating MRT Serye (Part 4 at mga susunod pa). Pakilike po ang ating Facebook Page na Libreng Kwento Daily para po sa mga updates. Salamat po.

MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 2)
Nakilala na ni Ryan ang babaeng tinitingnan lang nya sa MRT kahapon sa pinaka di inaasahang pagkakataon. Karla pala ang pangalan nya. Pero naiinis siya at sa ganitong paraan pa nya nalaman kung sino ito. Inisip nya tuloy,kung naglakas loob lang sana siya sa pag approach at pagpapaupo kay Karla, di sana ay mas ok ang sitwasyon. Di sana siya "sikat" ngayon sa Facebook at pinagppyestahan ng kung sino sino.
Nacurious din siya sa dami ng shares at comments sa mismong post. Binasa nya ang ilan. Huminga muna siya ng malalim dahil inaasahan na nya ang mga maiinit na salita laban sa kanya dahil nga sa di nya pagiging gentleman para kay Karla.
"Kasalanan ko naman kasi eh. Kalalake kong tao, di ko man lang siya pinaupo. Ano kayang mga insulto ang sasabihin ng mga tao sa kin?"
--"grabe ka naman makalait na babae ka, kala mo kagaganda mo."
--"ano feeling mo, entitled ka nang paupuin dahil babae ka? feeling ka masyado. lakas mo pa manlait."
--"pokpok ka palang babae ka. Kung makapagsalita ka sa kapwa mo kala mo kung sinong malinis"
Napaatras si Ryan sa nabasa. Hindi nya akalain na ang maraming comments pala ay patungkol lahat hindi sa kanya kundi kay Karla. At siya ang nakakuha ng simpatiya ng mga tao. Natuwa siya sa nangyari. Sa kabilang banda, nalungkot siya. Naalala nya si Karla. Si Karla pala ngayon ang pinagkakaisahan ng mga tao. Oo, tama naman sila. Medyo nakakainsulto ang mga sinabi ni Karla sa kanya. Pero sa kanya, alam nya na siya rin kasi talaga ang may kasalanan. Nabahag kasi ang buntot nya. At yung pagtingin nya ng pasimple ang siguro nakagalit din kay Karla lalo. At naisip pa nya e baka naalala pa nito yung pagkakatapak nya sa sapatos nito nung nakaraan.
"Hay, ano ba gagawin ko? Andami kong naiisip tuloy. May mga nagpost na rin ng pangalan ko. Malamang kilala na ko ni Karla. Pero paano na siya? Teka, imessage ko siya ng makahingi ng paumanhin."
Nang susubukan na nyang imessage ito, di na nya nagawa dahil nadeactivate na pala ni Karla ang pag accept ng mensahe mula sa ibang tao. Walang nagawa si Ryan kundi magisip kung pano aayusin ang gusot. At iniisip din nya kung pano nya muling makikita si Karla.
Click here for the other parts:
Part 1 of MRT Serye
Part 3 of MRT Serye
Please like our page para din po makaupdate kayo agad sa kasunod na mga kwento
-> Libreng Kwento Daily

MRT Serye: The Real Story of Karla and Ryan (Part 1)
"Putik. Late na naman ako. Hirap talaga maging mahirap. Kung ihihinto ko trabaho ko, hindi ako makakapag-aral. Kaso yung trabaho ko naman din ang nagiging dahilan kaya nagkakandalate ako at nahihirapan sa pag-aaral ko. Pesteng buhay nga naman oo."
Himutok sa sarili ni Ryan, isang masipag na binata at working student, habang nakasakay sa MRT papasok sa eskwela. Halos walang araw na di siya nagmamadali sa pagpasok tuwing umaga. Masuwerte pa siya ng araw na yon at nakasakay agad siya sa MRT at nakaupo pa nga dahil kadalasan, abot hanggang sa kalsada na ang pila ng tao. At pagpasok mo pa sa tren ay gasardinas ang siksikan. Yung tipong papasok ka pa lang, amoy uwian ka na. Pag mas minalas malas pa, nasisira ang tren at walang magawa ang mga pasahero kundi maglakad sa riles at bumaba para makipagsapalaran namang makasakay sa bus.
"Buti nacharge ko itong phone ko. Soundtrip muna ng makalimot sa problema. Maya ko na lang isipin yung late late nayan at wala naman na ding magagawa. Sana lang di ako ibagsak ng terror kong prof sa Calculus. Pang ilang late ko na ba to? Buti at naipapasa ko pa ang exams namin."
Habang nakaheadset at nakikinig sa playlist nya ng mga banda nyang paborito, nakatungo si Ryan at pinipilit na labanan ang antok dahil baka lumampas sya ng bababaang istasyon. Huminto sa Cubao station ang tren at parang mga sundalo sa palabas na 300 na nagtulakan ang mga gustong makababa at makasakay. Normal na ang ganitong eksena kaya di na rin pansin ni Ryan ang nangyayari. Nakakulong na ang kanyang isip sa pinapakinggang kanta ng Parokya ni Edgar. Nang may pamilyar na tanawin siyang naaninag sa bandang sahig. Sapatos. Violet na Nike Free na may sintas na pink. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ryan. "Shit, sya ba uli ito?". At dahan dahan nyang itiningala ang kanyang ulo. "Sya nga."
Dahil halos parehong oras na sumasakay si Ryan sa MRT, di maiiwasang mamukhaan na nya ang ilan sa mga nakakasabay nya. At isa na rito ang babaeng ito na tumatak sa kanyang memorya ang itsura lalo na ang sapatos nito. Nung una nya itong nakita dalawang linggo na ang nakakalipas,medyo natarayan pa siya at nasupladahan nito. Natapakan nya kasi ang paa nito habang naguunahan ang mga taong pumasoks a tren habang suot ang sapatos na ito mismo. Nagalit at inismidan siya nito kahit pa nagsorry naman siya. Di na lang umimik si Ryan. Pero ng napalingon siya sa mukha ng babae, kahit masungit pa ang mukha nito sa kanya ay napansin nya ang mata nito at mga labi. "Ang expressive naman". Natulala si Ryan at unti unti nagsara na ang pinto ng tren, at naiwan siya at di nakasakay.
Ngayon, andito na naman ang babae sa harapan nya. Tiningnan nya muli ito. "Ang ganda pala talaga nya". Naka ilang tingin siya at lingid sa kanyang kaalaman, napansin ito ng babae. "Paupuin ko kaya siya? Kaso, baka maalala nya na ako yung umapak sa kanya. Baka magalit uli. Mataray pa naman ito. Saka baka sabihin pa stalker ako o kaya papansin. Hmm. Hay naku, di bale pababa na naman ako after 2 stations. Wag na lang. Kunwari na lang wala akong nakita." At ganon na nga ang ginawa ni Ryan. Di nya pinaupo ang babae at bumaba ng MRT pagdating ng Boni Station.
Naging normal ang araw ni Ryan. Pagkatapos ng eskwela, dumiretso siya sa trabaho nya. Pagod at gutom, umuwi nung gabi sa kanilang bahay. Kumain muna ng konting hapunan na di na nya halos matapos sa antok, at saka siya natulog. Ang di nya alam, ito na pala ang huling araw na magiging normal ang routine ng buhay nya.
*twit twit*
"Dami namang text at alerts! Kung kelan pa wala naman akong pasok saka pa naman ako nagising ng maaga sa ingay ng mga to. Importante ba mga sasabihin nyo ha?"
Kinuha ni Ryan ang cellphone. 23 text messages. At napakaraming Facebook messages and notifications. Nagtaka sya kasi di naman siya ganon kaactive sa social media para magkaroon ng ganong karaming notifications. Pagbukas nya ng unang message "Pare, sikat ka na. Paautograph naman." sabi ng unang message. At yung mga sumunod pa, halos ganon din ang sinasabi. At may mga links pa na nakaattach sa message. Litong lito si Ryan sa nangyari. Nung una ay naisip pa nya na baka virus ito dahil halos pare pareho sinasabi ng mga tao sa kanya. Pero nagtaka sya pati sa text ay ganon din. Na sikat na raw siya at tingnan daw nya yung mga posts sa FB nya. Kaya kinlick na rin nya ang link na binigay ng isa sa mga kaibigan.
--------------
"ShoutOut Nga Pala Dun Sa Lalaki Knina Sa MRT. (Pauwi Ako Sa Condo. Sumakay Ako MRT mula North Ave. To Araneta Cubao )
Nasa Harap Mo Ko. Ano Manlang Sna Yung Kusa Kang Nagpa-Upo. Pa-Tingin Tingin Kapa. Kala Mo Hindi Ko Nahahalata. Yung Pagiging Un-Gentleman Mo.. Sana Hindi yan Gawin Sa Nanay Mo. Sigurado Naman Matanda Nadin Nanay Mo. At Kung May Kapatid Kang Babae. (Kung Meron Man )
Kung Ano Yung Kina-Pangit Ng Mukha Mo.. Yung Din Kina-Pangit Ng Ugali Mo. Bagay Na Bagay yung Mukha Mo Sa Ugali. Perfect Combination Pare! Haha!"
---------
"Jejemon ata ito ah. Ano naman kaya kinalaman ko dito? Patawa naman itong link na to. Wala namang kwenta."
Ito ang naging reaksyon ni Ryan pagkabasa sa caption. Pero pagscroll down nya, nagulantang siya sa kanyang nakita.
"Putek, ako to ah. Kahapon to sa MRT! Hayop na yan. Sinong gago ang kumuha ng picture ko dun. Saka ilang shares and like na ito ah. Eto pala sinasabi nila Marvin na sikat na raw ako! Buisit. Sinong hayop ang gumawa nito? Napagtripan ata ako ng mga tropa ko. Ano ba to?"
Tiningnan ni Ryan kung sinong profile ang nagsulat ng post at nag upload ng picture nya. Karla. Karla ang pangalan ng babaeng nagagalit sa kanya. Nagpanting ang tenga ni Ryan. Kinlick nya agad ang message button para kausapin at pagsabihan ang babaeng ito na burahin ang post na ito kung hindi ay mananagot ito sa kanya.
Habang tinatype ni Ryan ang kanyang message, napatingin sya sa profile picture ni Karla.
"Karla? Teka. Pamilyar itong mukhang ito ah. Parang... Parang... Siya nga ba? Sya nga! Karla pala ang pangalan nya. Ang ganda talaga nya. Si Violet Nike shoes. Karla pala....
...Pero teka, mali mali! Mali sya ng akala! Bakit Karla. Bakit mo ginawa ito? Teka, ano ba nangyari kahapon? Ah. Oo nga pala, natorpe ako na paupuin siya. Pagkakataon na kasi sana eh. Naku naman! Napasama pa. At napansin pala nya na tumitingin ako sa kanya! Mali ka ng akala Karla. Grrr buiset! Ano ngayon ang gagawin ko! Laking trobol nito. Kaasar talaga!"
Click here for the next parts:
Part 2 of MRT Serye - Si Karla at ang aral ng pangyayari
Part 3 of MRT Serye - Ang pagtatagpo ng landas
Please like our page para din po makaupdate kayo agad sa kasunod na mga kwento
-> Libreng Kwento Daily
FYI: Kathang isip lang po ito ng sumulat at inspired lamang po sa naging trending na kwento natin nitong maghapon tungkol sa 2 tao sa MRT.

Monday, August 1, 2016
Push Mo Yan
Ayoko na minsan manood ng balita. Halos pare pareho na lang. Kasalanan din kasi ng news na ang hinahighlight ay yung patayan. Yun naman kasi ang mabenta. Kailangang kumita para magpatuloy ang media. Bias? Lahat naman may bias eh. Nasa tin din kasi yan kung pano iabsorb ang balita. May iba tanggap ng tanggap, di na nagiisip. May iba naman sobra sa isip, wala nang tinanggap na tama.
Pero andami namang ibang magagandang balita. Sana binabalanse din. Tulad ng pagayos ng maraming sistema sa gobyerno. Tulad ng pagpapalit ng bantay at sistema sa kulungan. Mga ahensya na iniimprove ang serbisyo. Magagandang balita yan na napanood ko pero sa tingin ko, lamang pa rin talaga sa balita yung patayan. Sabagay,sabi nga nag iba ay dati na namang ganyan eh.
Sa totoo lang, what bothers me more than the violence is on how people are starting to change the way they think about these things. Ngayon kasi, makakabasa ka ng komento na "imposible namang inosente yun, matutulog ka ba naman sa bahay ng pusher" about sa case nung criminology student na nabaril. O kaya naman yung napatay ng di kilalang gun men na 5 tao sa sementeryo. Isa yung 26 yr old na chef sa Makati na nagcecelebrate ng bday at bumisita sa magulang nya na napatay din na mga caretaker naman dun at nadamay pa ang 2 pang kapitbahay nila. Sabi agad e "yan talaga lungga ng pot session eh, malamang mga gumagamit ang mga yan". Kahit pa sabi sa balita, 2 lang dun sa limang napatay ang naidentify ng pulis na drug personalities. Ambilis lang ng panghuhusga ng tao ngayon. Ngayon, generalization, association and common knowledge, basis na ng tao na husgahan ang kapwa nila at isiping "deserving lang sila na mamatay".
How about the Ateneo teacher who's a known anti-drugs advocate yet marami pa rin ang mababasang comment na baka nga kasi adik din o pusher talaga sya. How about the asset na pinatay din na kapatid pa ng pulis na posibleng binalikan lang pero pinagbibintangan na ring adik ng iba? Para bang ngayon, andali na lang sabihing dapat mamatay ang isang tao dahil lang nadikit siya sa usapang drugs o kahit sa mga tao na nagddrugs. I wonder how many of us have known and tolerated a person whom used or sold drugs? What if madalas mo pala siyang kasama? What if kapamilya mo siya? Ok lang ba sa yo na pagisipang kang kasing guilty ng tao na yun? Payag ka ba sa justifiction ng iba na "sasama ka ba sa alam mong adik o pusher" o kaya yung iba pa na "e kung talagang mahal mo, dapat turuan mong magbago yung kilala mo"? Well, that's so freakin idealistic like it's that easy for people to change their drug habits. Or parang ganon na lang kadali lumayo sa mga taong malapit sa yo kahit alam mong may ginagawa silang mali.
Then naalala ko, some years ago siguro mga 15 yrs na mahigit nung panahong single pa ko at nakatira pa ko sa parents ko. Mahirap pa ang tubig sa bahay ng mga magulang ko noon. Kaya gising ako hanggang madaling araw para magipon ng tubig at punuin ang tangke namin dahil ganoong oras lang nagkakaroon at di pa nga araw araw. One night, I was outside fixing the hose and then I saw a friend walking outside and then he greeted me. I sensed that there's something strange about him. The way he talked, acted and even smelled. Tinanong ko siya kung lasing sya. Natawa lang. Tapos umamin siya na nakatira siya ng shabu. Nagulat ako. Tinanong ko siya bakit nya ginagawa yun. Sabi nya, napasama lang sa mga kaklase nya pero di naman daw siya adik. Defensive agad, ganon ata talaga. Sabi ko, sana subok lang yun at wag nya nang ituloy kasi baka mahirapan na siya makaiwas sa susunod. Sabi nya oo naman daw. Subok lang talaga. Pangalawang beses pa lang naman daw nya yun. At sabi nya wala naman daw nagbago sa kanya kahit may tama siya. Mas masaya pa nga raw pakiramdam nya. Tapos medyo napatagal pa kwentuhan namin hanggang mapagod na rin siya siguro sa kakakwento at umuwi na at ako naman inayos ko na yung tubig namin na malapit nang mapuno sa tangke. Hinayaan ko syang magkwento ng magkwento pero dahil bata pa ko at unang beses ko nakaencounter ng taong sabog, medyo takot din ako nun para sa kanya at para sa sarili ko.
At that time, we were still both single. After that happened, I was really praying for this guy since we knew each other since we were young that he would not get addicted to it because I knew how his family was looking forward to him finishing his studies and finally have a job to help them. Good thing that this person changed. He has his own family now and a very responsible father to his children. And he was able to stay away from drugs even before he graduated. And he even rarely drink alcohol now and last time I heard, he's even trying to quit smoking.
Unfortunately, hindi ito ang lahat ng kwento sa mga kalaro at kababata ko noon. Nabalitaan ko lang din na 3 yung nadampot na sa may malapit sa lugar namin na gumagamit pa rin daw ng droga at isa pa ang hinahanap ng mga pulis nung nakaraang buwan. Lumaki ako malapit sa mga ganitong tao. Ilang hakbang lang ang layo namin sa lugar nila sa tinatawag na "looban" o "squatters area". Hindi naman kami squatter dahil kahit pano, nakapagpundar ang lolo ko ng lupa pero dahil malapit ang lugar namin sa kanila, sila ang nakalakhan kong mga kalaro noong bata pa ko. Masasabi kong iba talaga ang buhay sa "looban". Yung tingin ng iba ay kuta ng lahat ng patapon na at walang magandang maibubunga sa lipunan. May punto naman sila. Pero ang mali lang sa punto nila, nakalimutan nila na tao rin ang mga ito. Na may buhay din, may mga pamilya at nagmamahalan. Marami ako sa mga nakasalamuha dun ang maayos na ang buhay at nagcocontribute na rin sa lipunan natin sa abot ng kanilang makakaya habang nabubuhay ng marangal kasama ang kanilang mga pamilya. May iba na mas busilak pa ang puso kesa sa karamihan sa nangmamata sa kanila. At marami sa kanila ay nakapagturo din sa kin ng maraming aral sa buhay kaya ko narating ang kung ano ang sitwasyon ko ngayon.
Naisip ko bigla, paano kung yung paguusap namin ng kaibigan ko na yun noon ay nangyari ngayon? Paano kung natiktikan siya galing sa pag-pot session nila at nasundan siya pauwi? 2am yun, napadaan siya sa may amin. Naguusap kami ng ganong oras. Kaming 2 lang ang taong gising. Sya ay sabog, at ako naman ay nakashorts at sando lang at patpatin ang katawan na puede na ring ihalintulad sa adik ang hulma. Paano kung hinuli kami? Paano kung di lang huli? Paano kung mga vigilante ang bumanat sa min?Paano kung sabihin na adik at pusher kami pareho na nakasulat sa cardboard? Kung sasabihin ng pamilya ko na di ako nagddrugs, may maniniwala kaya? Sasabihin kaya ng mga tao na "2am, nasa labas, naguusap tapos sabog pa yung isa. May inosente ba na gising ng ganong oras at nakikipagusap sa sabog? E baka nagsisimula pa lang tumira kaya di pa siya tinatamaan. o baka siya pa mismo nagbebenta.". Parang ganyan siguro ang magiging opinyon ng tao sa min.
Naisip ko rin, yung mga ganitong kwento kaya ng mga posibleng inosenteng tao na nadadamay, mapapahinto kaya nyan yung mga nagsasabi na "Mga sindikato lang din yan na nagpapatayan. Inuunahan na nila bago makakanta pa. Isip isip naman kasi ng konti. Wag puro sisi.". Sa toto lang, nakakapagod na rin itong marinig lalo na at kala mo e sila pa lang ang taong nakaisip at nakapagsabi nun. Or maybe these stories of possibly innocent people that were killed will make them start considering the thought na "E pano kung yung mga matitino na pala ang pinapatay ng mga sindikato tapos sila ang palalabasing masama para happy happy pa rin sila" o kaya eh "paano kung nadamay lang pala talaga yung iba?". The President, the Chief PNP and now the DOJ Secretary also informed us na may patong na ang ulo nila. Matataas na tao na sila. Kaya nilang maprotektahan ang sarili nila pero tinatarget pa din sila dahil alam ng mga masasama na malaking bagay pag nawala sila. Pero since mahirap silang targetin, tingin nyo ba hindi puedeng targetin yung mga leaders na mas mabababa? Yung mga assets? Yung mga pulis nating tapat sa serbisyo? At pagkatapos ay sila ang palalabasing masama pag nagawan na sila ng di kanais nais?
And also, I appreciate all the good changes. I welcome all the good things that is happening now. Yung sa kalinisan, disiplina, pag-alis ng red tape, etc. Maganda lahat yan. I'm saying this as this might hold down the guards of the defensive ones. This post is not about the president. It's not about the police or the justice system. I'm sure na kung may political will ang leaders natin, mahahanapan nila ng solusyon ang lahat ng epekto ng nangyayari sa bansa.
Hindi ito tungkol sa kanila. Tungkol ito sa mga totoong nangyari at nangyayari sa paligid. It's also about us holding on to our morality and sanity amidst the bombardment of stories of violence that could lead us to either in an outrage against it or to a totally desensitized person having zero empathy for others. Mahirap ang maging walang pake, lalo na pag ikaw na ang sumunod na biktima at malaman mo at huli na na yung ibang tao ay wala na rin palang paki sa yo.
Pero andami namang ibang magagandang balita. Sana binabalanse din. Tulad ng pagayos ng maraming sistema sa gobyerno. Tulad ng pagpapalit ng bantay at sistema sa kulungan. Mga ahensya na iniimprove ang serbisyo. Magagandang balita yan na napanood ko pero sa tingin ko, lamang pa rin talaga sa balita yung patayan. Sabagay,sabi nga nag iba ay dati na namang ganyan eh.
Sa totoo lang, what bothers me more than the violence is on how people are starting to change the way they think about these things. Ngayon kasi, makakabasa ka ng komento na "imposible namang inosente yun, matutulog ka ba naman sa bahay ng pusher" about sa case nung criminology student na nabaril. O kaya naman yung napatay ng di kilalang gun men na 5 tao sa sementeryo. Isa yung 26 yr old na chef sa Makati na nagcecelebrate ng bday at bumisita sa magulang nya na napatay din na mga caretaker naman dun at nadamay pa ang 2 pang kapitbahay nila. Sabi agad e "yan talaga lungga ng pot session eh, malamang mga gumagamit ang mga yan". Kahit pa sabi sa balita, 2 lang dun sa limang napatay ang naidentify ng pulis na drug personalities. Ambilis lang ng panghuhusga ng tao ngayon. Ngayon, generalization, association and common knowledge, basis na ng tao na husgahan ang kapwa nila at isiping "deserving lang sila na mamatay".
How about the Ateneo teacher who's a known anti-drugs advocate yet marami pa rin ang mababasang comment na baka nga kasi adik din o pusher talaga sya. How about the asset na pinatay din na kapatid pa ng pulis na posibleng binalikan lang pero pinagbibintangan na ring adik ng iba? Para bang ngayon, andali na lang sabihing dapat mamatay ang isang tao dahil lang nadikit siya sa usapang drugs o kahit sa mga tao na nagddrugs. I wonder how many of us have known and tolerated a person whom used or sold drugs? What if madalas mo pala siyang kasama? What if kapamilya mo siya? Ok lang ba sa yo na pagisipang kang kasing guilty ng tao na yun? Payag ka ba sa justifiction ng iba na "sasama ka ba sa alam mong adik o pusher" o kaya yung iba pa na "e kung talagang mahal mo, dapat turuan mong magbago yung kilala mo"? Well, that's so freakin idealistic like it's that easy for people to change their drug habits. Or parang ganon na lang kadali lumayo sa mga taong malapit sa yo kahit alam mong may ginagawa silang mali.
Then naalala ko, some years ago siguro mga 15 yrs na mahigit nung panahong single pa ko at nakatira pa ko sa parents ko. Mahirap pa ang tubig sa bahay ng mga magulang ko noon. Kaya gising ako hanggang madaling araw para magipon ng tubig at punuin ang tangke namin dahil ganoong oras lang nagkakaroon at di pa nga araw araw. One night, I was outside fixing the hose and then I saw a friend walking outside and then he greeted me. I sensed that there's something strange about him. The way he talked, acted and even smelled. Tinanong ko siya kung lasing sya. Natawa lang. Tapos umamin siya na nakatira siya ng shabu. Nagulat ako. Tinanong ko siya bakit nya ginagawa yun. Sabi nya, napasama lang sa mga kaklase nya pero di naman daw siya adik. Defensive agad, ganon ata talaga. Sabi ko, sana subok lang yun at wag nya nang ituloy kasi baka mahirapan na siya makaiwas sa susunod. Sabi nya oo naman daw. Subok lang talaga. Pangalawang beses pa lang naman daw nya yun. At sabi nya wala naman daw nagbago sa kanya kahit may tama siya. Mas masaya pa nga raw pakiramdam nya. Tapos medyo napatagal pa kwentuhan namin hanggang mapagod na rin siya siguro sa kakakwento at umuwi na at ako naman inayos ko na yung tubig namin na malapit nang mapuno sa tangke. Hinayaan ko syang magkwento ng magkwento pero dahil bata pa ko at unang beses ko nakaencounter ng taong sabog, medyo takot din ako nun para sa kanya at para sa sarili ko.
At that time, we were still both single. After that happened, I was really praying for this guy since we knew each other since we were young that he would not get addicted to it because I knew how his family was looking forward to him finishing his studies and finally have a job to help them. Good thing that this person changed. He has his own family now and a very responsible father to his children. And he was able to stay away from drugs even before he graduated. And he even rarely drink alcohol now and last time I heard, he's even trying to quit smoking.
Naisip ko bigla, paano kung yung paguusap namin ng kaibigan ko na yun noon ay nangyari ngayon? Paano kung natiktikan siya galing sa pag-pot session nila at nasundan siya pauwi? 2am yun, napadaan siya sa may amin. Naguusap kami ng ganong oras. Kaming 2 lang ang taong gising. Sya ay sabog, at ako naman ay nakashorts at sando lang at patpatin ang katawan na puede na ring ihalintulad sa adik ang hulma. Paano kung hinuli kami? Paano kung di lang huli? Paano kung mga vigilante ang bumanat sa min?Paano kung sabihin na adik at pusher kami pareho na nakasulat sa cardboard? Kung sasabihin ng pamilya ko na di ako nagddrugs, may maniniwala kaya? Sasabihin kaya ng mga tao na "2am, nasa labas, naguusap tapos sabog pa yung isa. May inosente ba na gising ng ganong oras at nakikipagusap sa sabog? E baka nagsisimula pa lang tumira kaya di pa siya tinatamaan. o baka siya pa mismo nagbebenta.". Parang ganyan siguro ang magiging opinyon ng tao sa min.
Naisip ko rin, yung mga ganitong kwento kaya ng mga posibleng inosenteng tao na nadadamay, mapapahinto kaya nyan yung mga nagsasabi na "Mga sindikato lang din yan na nagpapatayan. Inuunahan na nila bago makakanta pa. Isip isip naman kasi ng konti. Wag puro sisi.". Sa toto lang, nakakapagod na rin itong marinig lalo na at kala mo e sila pa lang ang taong nakaisip at nakapagsabi nun. Or maybe these stories of possibly innocent people that were killed will make them start considering the thought na "E pano kung yung mga matitino na pala ang pinapatay ng mga sindikato tapos sila ang palalabasing masama para happy happy pa rin sila" o kaya eh "paano kung nadamay lang pala talaga yung iba?". The President, the Chief PNP and now the DOJ Secretary also informed us na may patong na ang ulo nila. Matataas na tao na sila. Kaya nilang maprotektahan ang sarili nila pero tinatarget pa din sila dahil alam ng mga masasama na malaking bagay pag nawala sila. Pero since mahirap silang targetin, tingin nyo ba hindi puedeng targetin yung mga leaders na mas mabababa? Yung mga assets? Yung mga pulis nating tapat sa serbisyo? At pagkatapos ay sila ang palalabasing masama pag nagawan na sila ng di kanais nais?
And also, I appreciate all the good changes. I welcome all the good things that is happening now. Yung sa kalinisan, disiplina, pag-alis ng red tape, etc. Maganda lahat yan. I'm saying this as this might hold down the guards of the defensive ones. This post is not about the president. It's not about the police or the justice system. I'm sure na kung may political will ang leaders natin, mahahanapan nila ng solusyon ang lahat ng epekto ng nangyayari sa bansa.
Hindi ito tungkol sa kanila. Tungkol ito sa mga totoong nangyari at nangyayari sa paligid. It's also about us holding on to our morality and sanity amidst the bombardment of stories of violence that could lead us to either in an outrage against it or to a totally desensitized person having zero empathy for others. Mahirap ang maging walang pake, lalo na pag ikaw na ang sumunod na biktima at malaman mo at huli na na yung ibang tao ay wala na rin palang paki sa yo.
Subscribe to:
Posts (Atom)