Halos mamatay ako sa hiya at sa inis ng nangyari sa kin ito. Maraming beses na rin siguro kayong nakaranas na mapahiya sa mga bagay na di ninyo naman ginawa pero para matapos na lang ay di na kayo nakipagtalo pa. Isang lola ang nagalit sa akin dahil daw manyakis ako sa loob ng Mercury Drugstore sa Antipolo.
Papunta ako ng Baguio nun kasama ang ex-gf ko (na misis ko na ngayon). Sasakay ako ng fx pa Cubao at dun kami magkikita sa terminal ng Victory Liner. Nagsimba muna ako dahil araw ng linggo yun at pagkatapos ay dumaan muna ko sa Mercury para bumili ng chichirya na puedeng kutkutin sa mahabang byahe ng bus. Ang bitbit ko ay isang malaking backpack na puno ng laman. Dahil sa laki ng bag ko ay masikip para sa akin ang eskaparate ng mga paninda. Kailangan kong manggilid para lang makadaan.
Ng makita ko na ang isa sa mga bibilhin ko, dumaan ako, gumilid at yumuko para kumuha sa nakita kong display ng mga supot ng V-Cut. Subalit may nakatayong isang ale na nasa idad 65 pataas na nakatayo sa may gilid na di sinasadyang tamaan ng bag sa kanyang bandang ibabang likuran na bahagi. Oo, sa may puwet. Hindi ko rin naramdaman dahil bahagya lang ang pagtama. Bigla na lang siya nagsisigaw at nageskandalo. Sinabihan ako na manyakis daw ako. Nung una ay di ko nga alam na sa kin pala nagagalit. Akala ko ay may iba siyang kaaway. Humingi ako ng paumanhin ng nalaman kong ako pala ang nakatama sa kanya. Sinabi kong di ko sinasadya. Pero ayaw tumigil ng matanda.
Hanggang lumakas ng lumakas ang boses nya at nagtinginan na ang mga tao sa amin. Lumapit na ang guwardiya. Mukhang naiintindihan naman ng guard ang nangyari at sinabi ko na di ko sinasadya at yung bag ko na malaki ang tumama at wala sa intensyon ko yun. Sa inis ko, kahit may paggalang ay sinabi ko sa matanda na mukhang kakasimba lang nya,sana naman ay konting hinay lang. Pero ayaw tumigil. Hanggang lumabas na lang ako ng tindahan ng inis na inis at hiyang hiya. Wala akong kalaban-laban. Talagang galit na galit si lola at walang balak makinig sa paliwanag. Hindi ko na rin binili ang mga kinuha ko.
Nalilito pa rin ako kung ano ang lesson sa nangyaring iyon. Ang gumalang at di sumagot sa matanda? Ang wag magdala ng malaking bag? Wag bumili ng V-Cut sa Mercury Drug? Siguro, yun ay yung kahit alam mong nasa tama ka, may ibang tao talaga na di tatanggap ng rason at ang magagawa mo na lang ay talikuran. At wag na ring isipin ang sasabihin ng ibang tao, dahil kung mayroon man silang pang-unawang malalim, panigurado alam naman nila kung sino ang tama o ang mali.
Wednesday, October 22, 2014
Friday, September 12, 2014
Suicide, Abortion, American Pie at Iba Pang Kwentong Pambata
R18, Parental Guidance, General Patronage, yan yung mga salita na unang una mong mababasa sa mga sinehan kasabay ng mga titles ng pelikula. Dyan mo kasi malalaman kung puede kang makapasok o hindi sa palabas. Nung mag-e-18 ka na, malamang ay excited ka nang pumasok sa mga sinehan para panoorin ang mga R18 na pelikula. Pero marami naman e nakakalusot kahit di pa rin talaga 18 dahil mukha kang mature sa edad mo. Pero may pagkakataon naman na kahit 18 ka na ay di ka pa rin papapasukin kung wala kang id at mukha kang nene o totoy pa rin.
Nangyari ito minsan nung college kami. Kasama ko ang aking ex-gf, na misis ko na ngayon kaya ex na, sa SM Sta. Mesa para manood ng sine. Ang papanoorin sana namin ay American Pie (2 or 3 ata). Oo, R18 siya dahil may mga topics at eksena dun na hindi pambata. 2nd year college na kami nun at 2nd sem na. 19 na nga kami nun. Nakabili kami ng ticket, so ok na dapat. Nung papasok na ng sinehan, hinarang kami. Ang sabi ay di daw kami puede dahil R18. Ewan ko ba kung bakit hindi namin dala ang ID namin nun. Naiwan ata sa boarding house ni ex-gf/wife ko. Sabi ko 2nd yr na kami at 19 na nga. Pero ayaw talaga kami papasukin. Sabi ko pano na ticket namin. Iba na lang daw panoorin namin, puede naman daw yun. Di pa kasi uso nun sa SM ang may reserved seats. So ayun, di ko na maalala kung anong palabas ang nilipatan namin pero nakakaasar din kasi American Pie lang naman yun di ba? At di naman kami mukhang high school o elementary para harangin pa. Pero siguro nga masyado lang kaming baby face kasi. Pero ok na rin kasi kahit papano ginagawa ng mga tao sa sinehan ang trabaho nila ng maayos para protektahan ang mga manonood.
Marami naman sa paligid natin na mas malala pa kung tutuusin kesa sa mga napapanood sa R18 na pelikula. Lalo ngayon sa mga social media na lang na di na nafifilter kung sino ang naglologin at ano ang pinopost sa wall. At marami ring mga bata na wala pa sa tamang gulang pero may mga account na. Pero hindi naman din ibig sabihin nito e dapat nang alisin ang pag-censor sa mga palabas sa tv o sine. Kaso sa nangyayari ngayon, ang hirap na dahil minsan dun pa sa mga di mo inaasahan makikita o maririnig yung mga bagay na di pa dapat sana ma-expose ang mga bata.
Nung highschool ako, meron akong teacher na nagkwento tungkol sa pagsuicide ng kapitbahay nila. 2nd year pa lang ata kami non. Tingin ko nun matanda na ko pero kung sa pananaw ko ngayon, bata pa pala ang isang 13 o 14 yrs old. At bukod sa pagkwento, pinakita pa nya ang picture ng nagbigti. Picture talaga, di pa uso nun ang mga digital camera at cellphone. Ang reaksyon namin syempre, mga nagulat. Nakalabas dila nung binata habang nakabigti pa. Kulay pula pa nga ang tshirt nya nun. Mga babae kong classmate, nag-tilian pa ang iba. Mga bata pa syempre at di pa ganon kalaganap ang internet na kung saan ay ginawa na lang normal ang mga ganoong eksena. Ang teacher ko naman, parang di ata naisip na iba epekto sa ming mga bata pa noon. Nagalit pa siya at ang aarte daw namin. Siguro rin kasi ang trato nya eh matanda na kami pero kung titingnan ko ngayon, e parang tinrauma pa nya ang iba sa amin. Bihira lang kasi talaga ang ganoong eksena nung bata kami.
May isa pa kong teacher noon. May pagkamahilig din ata ayon na rin sa naririnig ko sa mga babaeng estudyante. Nakakaoffend na kasi minsan ang biro nya. Bakit nga ba di naisumbong yun? Pero tapos na yun eh. Di na ata nagtuturo. Naalala ko lang ng binanggit nya sa min ang patungkol sa abortion. Sang ayon daw sya dun. Ang dahilan, unwanted daw kasi ang nabuo sa umpisa pa lang. Kaya kung unwanted, dapat daw puedeng alisin. Bata pa kami nun. Di namin alam irereact. Walang sumagot. Pero buo sa isip ko na mali yung abortion. Pero ang gulo ng rason nya, di ko maintindihan kung bakit nya sinabi yun. At di naman yun ang dapat na topic ng subject namin. Review para sa NSAT exam yun. Di ko na lang pinansin masyado. Basta nagreview na lang ako. At nakapasa naman ako, at ako pa nga ang nag top dun sa school namin. Pero di ko pa rin nakakalimutan ang sinabi ng lokong teacher na ito.
Ngayon isa na rin akong tatay. Maliliit pa anak ko kaya kontrolado ko pa ang mga impormasyong makakarating sa kanila. Pero di ko rin alam. Pag umaalis kami papuntang trabaho at naiiwan ang mga yaya, ano kaya pinapanood sa tv? Ano kaya pinag uusapan nila? Ang hirap. Kaya sana nga eh dumating yung punto na kaya na namin kahit ako na lang nagttrabaho at asawa ko ang nasa bahay. Pero pag laki nila, mag-aaral na rin sila at di namin sila mababantayan din sa lahat ng oras. Puedeng mag Homeschool pero di ko rin sure kung kaya namin. Pero kahit ano naman gawin siguro nating pagtatakip sa mga bata, makakakita at makakakita sila ng di magandang bagay sa paligid. Nasa sa atin na lang talaga yan kung uunahan na natin ng magagandang values na ikatitibay ng karakter nila pasimula pa lang.

Friday, August 29, 2014
Aktingan Blues
Mahirap na masarap ang maging part ng teatro. Yung aacting-acting ka sa
harap ng maraming tao, maraming salitang kinakabisado, mga pagkilos at paggalaw
ng kamay, paa, ulo, mata, pagpractice sa araw araw hanggang sa dis oras ng gabi, lahat yan ay kabahagi na ng pag-arte. Walang cut, walang
take two, dire diretso. Pag may mali, dapat wag mo na lang pahalata. Pag
nakalimutan mo ang script, mag imbento ka o pag di makapagimbento ang kabatuhan
mo, gumawa ka ng paraan at mag adlib ka para maipaalala ang sasabihin nya.
Masarap tingnan yung finish product pero yung behind the scenes, yun ang
nakakapagod at nakakatuwa na rin.
Hindi naman ako ganon katagal naging part ng ganitong samahan. High school ng madiskubre ko na ang kaartehan ko pala sa buhay ay may madudulot na produktibong pangyayari. Kahit papano kumita pa nga ako ng konti nun nung napili kaming mapasama sa Centennial Drama presentation ng isang production firm. Kasama pa namin ang ilang artista sa tv bilang mga pangunahing karakter. Ilang beses din kaming nakasali dun pero sumuko rin kami sa bandang dulo dahil ang hirap. Puyatan sa mga practices, tapos bukod dun e kami rin ang taga ayos ng stage dahil walang staff, at kung ano ano pang bagay na medyo nakaapekto na sa studies namin. Naks. Pero totoo yun.
Maraming mga ilang pangyayari sa maigsing panahong iyon ang di ko makakalimutan. Narito ang ilan:
Masaya rin talaga ang sumali sa mga aktingan na ganyan. Minsan nga nakakamiss lalo pag nakakapanood ako ng mga plays. Kung mag-audition kaya ako uli? Asa pa. hehehe.

1. Nung sa
Gabriela Silang show, may isang palabas kami na pinasukan ng kalokohan sa
kukote ang mga kasamahan kong bidang lalake. Yung Diego Silang (na isang
artista na paminsan minsan ay nakikita pa rin sa TV ngayon) na supposedly
namatay na dun sa kasunod na mga eksena. Pero sumama-sama pa rin sa mga sumunod. Nagsuot ng damit babae kunwari
at nakikigulo. Pagkatapos, yung huling eksena ni Gabriela na papatayin na siya,
binago ng pinunong gwardya sibil ang pangyayari. Tinakpan nya ang ulo ni
Gabriela kaya antagal na huminto ang eksena na walang nangyayari. Nakalimutan
kasi nya na may sasabihin pa si Gabriela dapat bago ma-deads. So ako yung
gwardya sibil na pinabalik sa stage para alisin ang cover. E di ako ready nun
kasi alam ko wala na ko eksena nun. Kaya mukha akong ewan na lumapit sa stage
na parang lasing na gwardya sibil. Galit na galit ang direktor namin
pagkatapos.
2. Yung unang
praktis namin sa dating kapitolyo pa ng Rizal sa Pasig, nagpunta kami ng
kasamahan kong babae sa lugar. Tatlo dapat kami pero di pa nakasama yung isa. At dun
namin naranasan na ganon pala talaga ang mga artista sa mga shooting. Mga bida
ang nale-late. Ilang oras kami nag-antay. Wala pa naman akong pera. May
miryenda naman ata dapat dun kaso wala pa sila kaya wala rin kami pagkain.
Buti yung kasama ko may baong pera at sya na ang bumili ng pagkain namin. Dyahe. Hirap pala talagang maging extra.
3. Sa isang
school play, ako naman ang gumanap na pinunong gwardya sibil. May eksena na
tutusukin ko ng espada ang isa kong kaklaseng babae na nakahiga bilang pang
huling aksyon sa isang matinding labanan. May effect pa dapat na dugo yun. Ang
problema, di nya nalagyan ng tamang marker kung san nakalagay. Mali ko lang, masyado ko
inemphasize yung paghanap sa dugo. Tinusok ko ng isang beses, walang lumabas.
dalawa tatlo apat.... tapos natatawa na yung kaklase ko. Sabi ko tama na. Tapos
yung mga teachers and judges na naiiyak na sana sa mga eksena, nakita ko rin
na natatawa na. Ayun, nag second place lang tuloy kami sa contest. Di rin ako
nanalong best supporting actor. Buti walang best comedy actor, baka nakuha ko
yung award.
4. Muntik na
rin akong sumali sa isang stage play na musical. Yung Joseph the Dreamer. Nag
audition kami nung mga kasamahan ko sa school at pumasa naman kami. Pagkatapos
nun ay sinama pa namin ang ibang classmates namin. Kaso nagkataon na nasama rin
ako sa selection ng city namin para sa maglalaro ng Tennis sa Rizal Province
unit meet. Madali lang ang ginawa kong pagpili. Nakailang sali na ko sa play eh. First time ko
umabot sa ganitong level ng laro. So Tennis ang pinili ko. In the end, naging
reserve lang ako sa Tennis team namin kasi magagaling talaga kasama ko. Ok na
rin kasi may allowance naman kami, libre nood pa ko tapos exempted pa sa exams.
hehehehe. Ayun nga lang, di na ko nakasali sa play. Tapos may isa pang nangyari
dun sa di ko pagsali. Pero di ko pa siguro kayang ikwento dito yun. Baka sa
susunod na lang. Promise.
5. Yung
pagganap na Rizal naman na ang set up, nagpaparada kayo tapos tuwing hihinto sa
ilang lugar, aacting kayo. Iba-ibang eksena yung kasali sa buong parada. Sa kin yung pagbaril kay
Rizal. Imagine, kada kanto, humihiga ako. Ang init ng kalye. Pero ok lang, the
show must go on. Saka lumalapit naman sa kin kada eksena si Josephine Bracken
na classmate ko rin na crush ko dati. Hahaha. Lagot.
6. Ang
pinakamaigsing eksena ko naman sa isang play ay tumagal ng mahigit kumulang 30 seconds sa stage. Yun yung interpretative ang dating ng isang kanta. Bohemian Rhapsody.
Bale dalawa kami na gumanap na pulis sa huli na dinampot na yung bida para
ikulong dahil sa nagawa nyang kasalanan.
7. Minsan,
gumagawa rin kami ng plays namin sa ilang subject. Pag nagsama sama kami ng mga
tropa, sigurado kami ang pinaka-entertaining na palabas. Not necessarily pinaka
educational. Pero natutuwa (or natatawa) din naman yung teachers namin pag
ginagawa namin yun. Isa na yung Tom Thumb. Nanalo kami ng award dahil dun. Most
economical. Puro papel at dyaryo kasi makikita sa buong paligid ng play namin.
Pero ang the best talaga yung ginawa namin yung "Tirad Pass" na
pelikula bilang plot ng play namin patungkol sa kalinisan. Kung nakapanood kayo
ng mga movie tulad ng "Scary Movie", "Not Another Teen
Movie", "Vampire Sucks" at iba pang pag spoof ng mga sikat na
pelikula, ganon ang kinalabasan ng ginawa namin. At walang ginawa ang mga kaklase
ko kundi tumawa ng tumawa. Pero paano naman pumasok yung lesson about kalinisan?
Wala naman, basta may eksenang matatapos ay biglang may magsasabi ng "sige linisin
nyo na yan. walisin nyo ang kalat". Pasok di ba?
8. Si Don
Juan Sumulong ay kilalang figure sa Antipolo. Sa buong Pilipinas naman, sa
kasaysayan, siya ay kinikilalang Utak ng Oposisyon. Siya ang nasa kabilang kampo
ng administrasyong Quezon noon. Dati siyang senador by the way at maganda ang kwento
ng buhay nya, from rags to riches ika nga. Tubong Antipolo siya. Dalawang
beses akong gumanap na Don Juan tuwing ginaganap ang anniversary ng kamatayan
nya sa dating Antipolo Plaza. Yung pangalawang beses na gumanap ako bilang Don Juan, 4th year high
school ako nun. Naghanap sila ng gaganap na batang Don Juan, ako yung
matanda. Ang napili nila ay yung kapatid ko na first year naman noon.
Masaya rin talaga ang sumali sa mga aktingan na ganyan. Minsan nga nakakamiss lalo pag nakakapanood ako ng mga plays. Kung mag-audition kaya ako uli? Asa pa. hehehe.
Thursday, August 21, 2014
Wag Tumawa sa Pamparegla
#realkwento
Napagtripan kong bumili ng speakers na may amplifier dati. Ang alam ko na okay na bilihan ay sa Raon. Halos lahat ng ECE students naman siguro sa Metro Manila ay pamilyar sa lugar bilang electronics capital, pero hindi of the world.
Sinama ko ang tatlong tropa kong kalugar namin. Bago kami dumiretso sa Raon ng araw ding yun ay nagpunta muna kami sa Megamall. May sale ng mga brands ng sapatos sa Megatrade Hall nun. Pero di kami bumili dahil wala naman kami pambili. Kumain na lang muna din kami sa bubuyog bago tumuloy ng Raon. Ang nasakyan namin ay hanggang bandang Quiapo Church lang ang baba. Dun na lang kami naglakad-lakad muna.
Napadaan kami sa mga tindahan ng kung ano-anong mga gamot, anting-anting at ugat ugat. Dahil first time ng isa kong kasama dun sa lugar, naexcite sya sa kanyang nakita at medyo napalakas din ang boses nya. Tinuro nya ang mga nakikita nya.
Tropa 1: Ayos to o, pamparegla hehehe. (With matching turo turo)
Tindero ng pamparegla: Anong nakakatawa, gusto mo pareglahin kita? (Lalake po ang barkada ko)
Tindero/Tindera 3,4,5,6....: May problema ata sa tinda natin yan eh.... Oo nga, mayabang masyado.. Blahblahblah (at kung ano ano pang pananakot)
Tropa 2: Tara pre bilisan na natin
Ako: (lakad ng matulin na parang di sila kilala)
Hanggang sa nakalayo na kami sa kumpulan. Tatawa tawa pero namutla yung kasama naming first time sa Quiapo. Nakarating din kami sa Raon at nakabili ng speakers. Nakauwi rin naman kami ng maayos at mapayapa. Simula noon, naging tahimik na yung tropa namin na yun. Ay di pa pala, kasi may pangyayari pa minsan na may humarurot na motor habang papauwi kami galing sa pagkain ng lugaw isang gabi.
Medyo malakas pa rin ang boses nya at may sinabi sya pero di naman patungkol sa humarurot. at yung mayabang na nakamotor, binalikan pa kami at akmang bubunot ng kung ano sa may bewang nya. Ano daw problema namin. Napatakbo ako sa guard ng katapat na gas station. Natakot din ako nun at pinablotter namin yung lalake na umalis din naman agad. Pero wala na rin mangyayari dun. Di namin namukhaan dahil nakahelmet sya pero ang palatandaan namin ay pilay pilay siya maglakad. Pito ata kami nun. Dapat ata ginulpi na lang namin saka namin pinapulis dahil sabihin namin e may binubunot kasi e. Kaso pano kung panyo lang pala. At isa pa, masama ang manakit. Unless self defense pero ok na yun. At least walang napahamak.
Kaya minsan, di rin maganda masyado malakas ang boses. Lalo na pag nasa gitna ka ng tindahan ng pamparegla o sa harap ng humaharurot na motor. Ewan. Basta may tao lang siguro talaga na wala sa lugar ang tapang.

Sunday, August 17, 2014
Kinapos sa, at ng Buhay
#kwentongpauso
Pagud na pagod ako sa trabaho ko sa araw-araw. Isa akong
bodegero sa isang maliit na grocery store sa bayan namin. Maliit lang ang sahod
kaya bawat araw na pinapasok ko ay importante dahil kung hindi, walang kakainin
ang mag-anak ko. May kinakasama ako at meron kaming tatlong anak na maliliit
pa; 4 na taong lalake ang panganay, 3 taon na lalake ang sumunod at 5 buwang
gulang naman ang bunsong babae. Ang asawa ko ay paextra-extra lang sa mga
kapitbahay pag may gustong magpapedicure o manicure. Pero bihira lang yun at 20
pesos lang ang bayad sa bawat sineserbisan nya. Pandagdag lang talaga.
Dagdag pa sa problema namin ang nakaambang paghina ng aming
trabaho dahil sa itinatayong mall sa katapat ng pinapasukan kong grocery. Sa
dinami dami ba naman ng lugar dito sa amin ay bakit ba kailangang sa katapat pa
mismo sa kabilang kalye ng pinapasukan kong mini-grocery itinayo itong mall.
Malas. Di na bago ang ganitong pangyayari. Marami na talagang nagsarang mga
maliliit na negosyo at nawawalan ng trabaho dahil sa biglang pagsulpot ng
naglalakihang establisyamentong tulad nito
Sinubukan ko sanang mag apply din dito pero dahil grade 4
lang ang tinapos ko, wala na agad pag-asa. Dapat pala e college level man lang
ang inabot. Nagtataka nga ko eh. Magbubuhat lang naman ako at magsasalansan ng
mga kahon, lata at bag ng mga produkto, kailangan pa ba ng college degree para
dun? Pero wala ako magagawa, yun ang kalakaran. Bahala na kung ano mangyayari
sa kin at sa pamilya ko. Kasalanan ko rin siguro, di kasi ko nakinig sa
magulang ko. Pero sinubukan ko naman mag-aral nun kaso nawalan ako ng gana kasi
para din namang walang gana kaming paaralin ng tatay at nanay ko. Basta lang
makapasok kami. Ni hindi kami mabigyan ng sapat na baon at kanya kanya kaming
diskarte para magkaroon ng mga gamit sa eskwela. Hindi man lang kami
kinakamusta kung ano nangyayari sa kin sa pag-aaral ko.
Ayun, sobrang bata ko pa pero napabarkada na ako sa mali at
natutong magbulakbol. Puro laro lang inatupag ko at di na ko pumapasok talaga. Grade
3 pa lang nagyoyosi na ko. Nung nalaman ng nanay ko na di na ako pumapasok,
imbes na pagsabihan ako ng tama, parang ok lang sa kanya yung nangyari. Sa
bahay na lang daw ako tutal e tamad naman daw ako mag-aral at mahina ang ulo. Makakatipid
pa raw sila. At puede pa raw ako maghanap ng pagkakakitaan para naman di maging
pabigat masyado. Pang-tatlo nga pala ako sa apat na magkakapatid. Kaming tatlong nauna ay di lahat nakatapos.
Yung bunso, may utak kahit papano, nasa college ngayon sa isang minor state
university. Working student din siya. Sana naman e makapagtapos siya. Siya na
lang siguro pag-asa ng mga magulang ko kahit papano.
Sa pagpasok ko araw-araw ay dumadaan ako sa ginagawang mall
sa harapan ng pinapasukan ko. Magandang tingnan pero alam kong hindi maganda
ang idudulot nito sa pamilya ko. Ngayong lunes ng umaga ay medyo iba ang bungad
ng umaga ko. Tirik na ang araw pero di pa ko nakakaalis. Nagkasakit kasi yung
panganay namin. Nakatapak kasi ng pako kahapon habang nangangalakal kasama ng
mga kalaro. Delikado, baka matetano. Alam kong kailangang dalhin sa ospital at
mapabakunahan agad pero dahil kapos talaga sa budget, kailangan kong antayin pa
mamaya ang sueldo ko. Sakto at a-kinse. Sabi ko sa asawa ko e ipangutang muna
ng paracetamol yung bata. Mamayang hapon e dadalhin na namin siya sa ospital.
Nagalit pa ko sa asawa ko dahil hinayaan nya pa kasing lumabas ang anak ko.
Kahit hirap kami,ayoko naman na nahihirapan ng ganon ang mga anak ko. Late na
ko sa trabaho kaya nagpaalam na ko sa asawa ko. Kinuha at isinuot ko yung aking
asul na baseball cap na kaisa-isang regalo na natanggap ko sa aking asawa mula
ng kami ay magsama. Luma na pero pananggalang kahit papano sa sikat ng araw. Alas
9 na rin kasi.
Papuntang trabaho, nadaan na naman ako sa ginagawang mall.
May mga sasakyang pang-construction na naglalakihan at nagpapatong ng
malalaking semento sa pinakaibabaw. Mukhang malapit nang matapos ang
istruktura. Nakakamanghang tingnan at nakakatakot din. Para bang nakaambang
disgrasya sa mga dumadaan. Pero sa isip isip ko, ang pagtayo ng mall na ito ang
mismong nakaambang disgrasya sa kabuhayan ng pamilya ko. Dumiretso na lang ako
ng paglakad. Ngunit di pa ko nakakalayo, biglang may isang malakas na kalampag
ang narinig ko sa di kalayuan. Aksidente palang bumagsak ang isa sa mga posteng
karga ng crane. Puro alikabok ang paligid at halos walang makita. Nagtatakbuhan
palayo ang maraming tao. Sakto naman at papatawid na ako kaya dumiretso na lang
ako sa trabaho at di na nakiusyoso. Sana ay walang nasaktan sa nangyari.
Nagmadali na akong pumasok. Sumulat ako ng mabilis sa
logbook at di ko na nga nagawang kausapin pa ang gwardya. Pero para siyang
balisa. Ni hindi ako nagawang sitahin sa pagkaka-late ko. Dumiretso ako sa
loob. Busy na ang lahat ng kasamahan ko. Pero sa isang tabi malapit sa may
puesto ng mga de lata na kung saan ay ang toka kong ayusin, nagkukumpulan ang ilan kong mga kasamahan. Habang nag-aayos ay nakinig ako sa kanila ng
pasimple. Kaninang umaga pala, kinausap sila ng amo namin. Tinapat na silang
lahat na hindi na mag-tatagal ang negosyo at 1 linggo na lang ay magsasara na.
Maglilipat na ng puwesto ang grocery pero malayo sa lugar namin kaya malabong
kami pa rin ang magttrabaho dun sa magiging bagong lokasyon nito. Bibigyan daw
kami ng separation pay na katumbas ng isang buwang sahod. Kaya di pa raw muna
ibibigay ang sueldo naming ngayong araw at isasabay na sa last pay namin sa
isang linggo.
Matagal na rin siguro pinlano ng amo ko ito simula pa lang
ng malaman nya ang itatayong mall sa harapan. Nalugmok akong lalo sa sitwasyon
ko. Alam kong mawawalan ako ng trabaho pero hindi ganon kabilis. Isa pa ay
ngayon pang may sakit ang anak ko. Paano kung lumala? Saka saan ako kukuha ng
ipapakain sa pamilya ko? Ang hirap. Pero kailangan kong harapin. Nandyan na eh.
Pero kailangan kong makausap ang amo ko. Maka-advance man lang dahil kailangang-kailangan
mapabakunahan ang anak ko.
Sinubukan kong lumapit pero parang mainit talaga ang ulo. Di
ko sya masisisi. Naglakas loob na ko magsalita dahil kailangang kailangan. “Ma’am,
puede ko ba kayo makausap. Importante lang po.”
Pero tuloy pa rin siya sa kanyang sinusulat. Lumapit yung
isa naming kasama na may dalang papel. Malamang ay imbentaryo. Iniabot nya sa
amo namin ang papel. Hindi rin siya pinansin. Ipinatong na lang nya sa lamesa.
Mukhang walang pag-asa na makausap ang amo ko. Umalis na lang ako. Umasa ako na
sana ay nakuha sa paracetamol ang lagnat ng anak ko. Sana ay hindi lumala.
Kahit papano ay hahaba naman ang pisi din naming pag natanggap ang last pay ko.
At sisimulan ko na rin maghanap ng bagong papasukan.
Pagdating na hapon, uwian na namin, naglakad na ako pauwi. Nagmamadali na ko dahil gusto kong malaman ang estado ng anak ko. Mabilis kong nilakad ang mga kalye hanggang sa nakarating ako sa amin. Pero pagdating ko sa bahay, nakasarado. Pilit akong kumatok at tinawag ang asawa ko pero walang sumasagot. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Baka sa ospital kaya? Wala pa naman kaming cellphone mag-asawa. Isa lang ang meron kami dati na nasira na din dahil sa kalumaan. Pati mga kapitbahay ko halos walang tao sa labas kaya wala ako mapagtanungan. Puro mga bata lang na nagtatakbuhan at naglalaro.

Palabas na ko ng masikip na eskinita mula sa amin, napadaan
ako sa tindahan na malamang pinag-utangan ng asawa ko ng gamot para anak ko. Magtatanong
na rin sana ko pero nakita kong nakikipagtsismisan yung tindera at isang
kapitbahay namin. Sa lakas ng boses nila ay narinig ko ang sinasabi nila malayo
pa lang ako. Dumiretso na raw nga ng ospital yung asawa ko. Lalong lumakas ang
kaba ko. Napatakbo ako mula sa aking pagkakatayo. Papuntang ospital ay dadaan
muli sa kalyeng pagitan ng pinapasukan ko at ng mall. Medyo nagkakagulo pa sa
gitna dahil may mga bulldozer at truck na nagtatanggal ng mga batong nalaglag
at nadurog kanina. May mga police lines pa nga. At sa gilid ay mga usisero. At
karamihan pa sa kanila ay kakilala ko. Andito pala ang mga kapitbahay ko kaya wala
sila dun sa lugar namin.
Normal ata sa tao ang gustong makakita ng mga ganito.Nakalimutan
kong nagmamadali ako pansumandali. Lumapit ako sa kumpulan ng mga kapitbahay ko
para umusyoso saglit. Puro palatak at buntong hininga ang naririnig ko. May
nadisgrasya pala. Dalawang tao ang nabagsakan ng mga bato. Patay agad. At
ngayon ngayon lang naalis ang katawan dahil na rin sa mabigat na mga batong
nahulog at kinailangan pa ng mga malalaking panghakot para maalis. Nadala na
raw sa morgue ang mga katawan. Pero kita pa rin sa kalsada ang mantsa ng dugo
mula sa mga naging biktima. At sa tabi ng mga bahid ng dugo at mga bato, aking napansin, ay nandoon din ang pamilyar
na asul na baseball cap.
Saturday, August 16, 2014
Ang Notebook sa Halamang Nakasabit
#realkwento
Hindi ako yung kilalang loko-loko sa eskwela. Goodie goodie
pa nga ang tingin sa kin ng marami lalo sa mga teachers pero di nila alam, nung
elementary ay halos walang araw na di ata ako nakipag-away. Pikon kasi ako.
Suntukan at iyakan ang madalas na ending ng mga ganitong pangyayari. Pero kahit
ganon pa man ay namaintain ko naman ang grades ko at consistent pa nga akong
honor noon. Pagdating ko ng highschool naman, kahit papano nabawasan ko na ang
pagkapikon. Di na ko nakikipag-away. O nabawasan na lang din siguro ang
pang-aasar sa kin ng mga kaklase ko.
Pero kahit pikon ako, isa na ko sa malakas din magtrip
talaga. Meron nga kong kaklase na napauwi ko sa kanya ang bag na di nya
pag-aari ng di nya nalalaman. Meron naman na laging may mga balat ng candy ang
sapatos nya. Meron naman na hinanap ako ng nanay nya kinabukasan dahil sa
nagdrawing ako ng isang cartoon character na pang-asar namin sa kanya at
nilagay ko sa bag nya. At buti di ako inabutan ng nanay pagdating. Ikkwento ko
rin lahat ng ito sa inyo. Pero itong ibabahagi ko ngayon ay nagstand out talaga
kasi di lang basta teacher ang nakahuli sa kin. Principal pa.
Uso kasi talaga ang lakas trip sa min nung high school.
Taguan ng kung ano anong gamit at kung anu-ano pa. Merong isa akong classmate
na tamad magdala ng gamit. Imbes na isang notebook kada subject, siya naman ay
isang makapal na notebook para sa lahat na. Ewan ko kung bakit ko naisip na
siya ang pagtripan. Siguro nabiktima na din nya ko kaya ako gumanti. O dahil
siguro wala lang talaga at gusto ko lang siyang lokohin ng time na yun.
Yung notebook nya na kaisa isa na lang, tinago ko yun. May
hanging plant dun sa may likod namin at dun ako malapit nakaupo. Alphabetical
kasi ang ayos ng upo kaya sa dulo ako napunta. Natapos ang first subject naming
at di ko isinoli yung notebook sa kaklase ko. Natawa ako sa kalokohan ko lalo
na nung nakita ko siyang mukhang bad trip na talaga at di alam kung san
hahagilapin ang notebook nya. Pagkatapos ng first subject, umalis na yung
teacher namin pagka-ring ng bell. At nawala na nga sa isip ko ang tinago kong
notebook.
Ang sumunod na subject namin ay English. Ang teacher namin
doon ay ang principal naming. Magaling siyang teacher at isa talaga sa di ko
malilimutan. Talagang malupet ang pagtuturo nya sa amin kaya nga pagdating ng
college, sisiw na lang sa kin ang English subjects ko dahil talagang todo-todo
kami sa syntaxing at diagramming ng sentences at pagbabasa ng mga literatures
sa high school pa lang. Pero balik tayo muna dun sa nangyari sa notebook.
After ng lesson namin sa aming butihing principal, pinacopy
nya kami ng mga notes na sinulat nya sa blackboard. Bawal ang tamad magsulat.
Nagchecheck din kasi siya ng notebooks naming after each grading. Kaya dapat ok
ang notes mo and everyday, may quotes pa na shine-share siya sa min.
Habang tahimik ang lahat at busy sa pagsusulat, bigla na
lang nagsalita ang teacher naming. Tinatanong nya yung kaklase ko kung bakit di
siya nagsusulat. At sabi ng classmate ko, nawawala daw kasi ang notebook nya.
At dun ko lang naalala na di ko pa rin pala sinosoli yung notebook.
Plano ko
lang sana eh isang subject ko lang itago
dun sa halaman. Nawala na sa isip ko. Sa sobrang taranta, bigla ako tumayo sa
silya at inabot yung notebook sa hanging plant. At inabot ko sa kaklase ko ng
walang sali-salita. Naisip ko nga ngayon, bakit ko ba ginawa yun. Puede namang
kunwari na lang na di ako ang nagtago at isipin ng teacher ko na sa ibang lugar
naiwan yung notebook. Pero siguro, natural lang sa kin ang maging mabait kaya
ko ginawa yun. At patunay nga dun na imbes na pagalitan ako ng principal namin,
ang comment lang nya nun ay parang sabi nya na nagiging pasaway na rin ako. Di
ko maalala yung exact words nya. English kasi.
Imaginin nyo yun, diretso sana
ko sa principal’s office. Pero dahil mabait ako, buti na lang, nakaligtas ako
sa kapahamakan. Kaya kayo kids, gayahin nyo ko, magpakabait din kayo ha. Biro
lang. Dapat pag nagtago kayo ng gamit ng kaklase nyo, isoli nyo rin after ng
isang subject. Masyado na yung 2 subjects na torture. Teka, uso pa ba yung
notebook (na papel) sa kabataan ngayon?
Thursday, August 14, 2014
Si Kalbo at ang Dayami
#realkwento
#realkwento
Nag ROTC ako nung college. Naabutan ko pa yung 2 years na mandatory training. Ok naman kasi kahit papano, may nagagawa pag Linggo tapos araw pa yun para sabay sabay kami uli ng mga barkada ko nung highschool na kapareho ko ng university na pumasok at umuwi.
Malalakas magtrip din ang mga kasama ko lalo na yung kalbo naming tropa. Nagkataon nun na marami kasing dayami sa may field, yung mga natuyong damo. Napagtripan nyang bungkusin yung damo at pagkatapos ay isuksok sa loob ng tshirt ko sa likod. Ang kati! Sabay takbo at tawa. Ako naman ay pagpag ng pagpag at kamot ng kamot. Wala na ko magawa. Napagtripan na ko eh. Ang naisip ko na lang, babawi ako.
Pinalampas ko muna ang ilang sandali. At pagkatapos, nag-ipon na rin ako ng mga tuyong damo na sing dami ng nilagay ng katropa ko sa likod ko. At maya maya, nakita ko na siya. Eto si kalbo. Nakatalikod sa kin. Isa dalawa tatlo, suksok ng dayami! Takbo palayo! Tawa ko ng tawa. Yes, nakaganti na ko!
Bigla na lang may narinig ako na tawa rin ng tawa sa may kanan ko. Nakita nya siguro kalokohan ko, hehehe. At nilingon ko kung sino siya. Langya, si kalbong tropa ko ito! Teka, sino yung nilagyan ko? Wahhh!
Yung isang kalbo pala na classmate nya ang nalagyan ko. Pagtingin ko ay parang gulat na gulat siya sa nangyari. Habang pinapagpag ang dayami, iniisip niya siguro, bakit? Anong ginawa ko? Wala akong nagawa kundi lumapit at humingi ng dispensa. Pinaliwanag ko na dahil sa kalbong klasmeyt nya kaya ko nagawa at nagkamali ako. At tawa pa rin ng tawa si kalbo sa nangyari sa kin. Hay. Buti na lang di ako sinapak. Mabait pa yung klasmeyt nya at naging kabarkada na rin namin.

Ang Service sa Hotel
#realkwento
#realkwento
Nangyari ito nung minsang nagkaroon ng malaking problema yung kliyente namin sa dati kong trabaho. Nagdown yung isang production server ng kliyente. Dahil dun, nagkaroon ng option na dun muna kami magstay sa kalapit na hotel ng opisina naming sa bandang Mandaluyong para lagi kaming available at madali kami makakapunta sa opisina. E di ayos na rin. May buffet na almusal sa umaga tapos sa aircon pa kami natutulog. Sarap. Pero siyempre, may hirap din kasi tuloy tuloy ang trabaho namin.

Nung pangalawang gabi, may 2 pa kaming kasama from another team na sasama sa kwarto
namin. Dalawa sila, isang medyo senior na at isang mas bata sa kin. Pareho
silang makulit at masayang kasama. Kaya dahil dun, gusto nila kaming igood time
pagpasok nila dun sa room na pinagstay-an naming sana. Kaya binigay namin ang
room number dahil mas nauna kaming umalis ng opisina kesa sa kanila.
At nung kinagabihan na nga, dumating sila sa hotel. At
tinanong nila sa receptionist kung saan
ang room number na binigay namin. At nung dumating sila, may dala silang
konting chicha at inumin pamparelax ng konti kumbaga. At nung nakarating sila kumatok na sila sa kwarto.
Officemate number 1: (knock
knock knock)
Man in the room: Who’s
there?
Officemate number 2: Service.
Man in the room: Service
for what?
Officemate number 1:
Service for pleasure.
At binuksan na nga ang pinto at laking gulat nila na ang
bumulaga sa kanila ay isang half naked man na foreigner na balbas sarado na
akala nila ay yung team lead ko ang nagsalita dahil kaboses nya. Talikod sila
after magsorry at hiyang hiyang umalis.
Tama naman ang room number na pinuntahan. Ang lesson ng kwento, dapat
itanong rin kasi ang pangalan ng hotel.
Libreng Kwento? At Daily Pa.
Bakit libreng kwentong daily? E kasi mahilig tayong mga
Pinoy sa libre. At past time din nating lahat magkwentuhan kahit san ka
mapunta, mauubos ang oras sa mga kwento kahit di mo pa nga masyado kilala. At mas
maganda lahat yan kung araw-araw. Ayos ba?
Subscribe to:
Posts (Atom)