#realkwento
Hindi ako yung kilalang loko-loko sa eskwela. Goodie goodie
pa nga ang tingin sa kin ng marami lalo sa mga teachers pero di nila alam, nung
elementary ay halos walang araw na di ata ako nakipag-away. Pikon kasi ako.
Suntukan at iyakan ang madalas na ending ng mga ganitong pangyayari. Pero kahit
ganon pa man ay namaintain ko naman ang grades ko at consistent pa nga akong
honor noon. Pagdating ko ng highschool naman, kahit papano nabawasan ko na ang
pagkapikon. Di na ko nakikipag-away. O nabawasan na lang din siguro ang
pang-aasar sa kin ng mga kaklase ko.
Pero kahit pikon ako, isa na ko sa malakas din magtrip
talaga. Meron nga kong kaklase na napauwi ko sa kanya ang bag na di nya
pag-aari ng di nya nalalaman. Meron naman na laging may mga balat ng candy ang
sapatos nya. Meron naman na hinanap ako ng nanay nya kinabukasan dahil sa
nagdrawing ako ng isang cartoon character na pang-asar namin sa kanya at
nilagay ko sa bag nya. At buti di ako inabutan ng nanay pagdating. Ikkwento ko
rin lahat ng ito sa inyo. Pero itong ibabahagi ko ngayon ay nagstand out talaga
kasi di lang basta teacher ang nakahuli sa kin. Principal pa.
Uso kasi talaga ang lakas trip sa min nung high school.
Taguan ng kung ano anong gamit at kung anu-ano pa. Merong isa akong classmate
na tamad magdala ng gamit. Imbes na isang notebook kada subject, siya naman ay
isang makapal na notebook para sa lahat na. Ewan ko kung bakit ko naisip na
siya ang pagtripan. Siguro nabiktima na din nya ko kaya ako gumanti. O dahil
siguro wala lang talaga at gusto ko lang siyang lokohin ng time na yun.
Yung notebook nya na kaisa isa na lang, tinago ko yun. May
hanging plant dun sa may likod namin at dun ako malapit nakaupo. Alphabetical
kasi ang ayos ng upo kaya sa dulo ako napunta. Natapos ang first subject naming
at di ko isinoli yung notebook sa kaklase ko. Natawa ako sa kalokohan ko lalo
na nung nakita ko siyang mukhang bad trip na talaga at di alam kung san
hahagilapin ang notebook nya. Pagkatapos ng first subject, umalis na yung
teacher namin pagka-ring ng bell. At nawala na nga sa isip ko ang tinago kong
notebook.
Ang sumunod na subject namin ay English. Ang teacher namin
doon ay ang principal naming. Magaling siyang teacher at isa talaga sa di ko
malilimutan. Talagang malupet ang pagtuturo nya sa amin kaya nga pagdating ng
college, sisiw na lang sa kin ang English subjects ko dahil talagang todo-todo
kami sa syntaxing at diagramming ng sentences at pagbabasa ng mga literatures
sa high school pa lang. Pero balik tayo muna dun sa nangyari sa notebook.
After ng lesson namin sa aming butihing principal, pinacopy
nya kami ng mga notes na sinulat nya sa blackboard. Bawal ang tamad magsulat.
Nagchecheck din kasi siya ng notebooks naming after each grading. Kaya dapat ok
ang notes mo and everyday, may quotes pa na shine-share siya sa min.
Habang tahimik ang lahat at busy sa pagsusulat, bigla na
lang nagsalita ang teacher naming. Tinatanong nya yung kaklase ko kung bakit di
siya nagsusulat. At sabi ng classmate ko, nawawala daw kasi ang notebook nya.
At dun ko lang naalala na di ko pa rin pala sinosoli yung notebook.
Plano ko
lang sana eh isang subject ko lang itago
dun sa halaman. Nawala na sa isip ko. Sa sobrang taranta, bigla ako tumayo sa
silya at inabot yung notebook sa hanging plant. At inabot ko sa kaklase ko ng
walang sali-salita. Naisip ko nga ngayon, bakit ko ba ginawa yun. Puede namang
kunwari na lang na di ako ang nagtago at isipin ng teacher ko na sa ibang lugar
naiwan yung notebook. Pero siguro, natural lang sa kin ang maging mabait kaya
ko ginawa yun. At patunay nga dun na imbes na pagalitan ako ng principal namin,
ang comment lang nya nun ay parang sabi nya na nagiging pasaway na rin ako. Di
ko maalala yung exact words nya. English kasi.
Imaginin nyo yun, diretso sana
ko sa principal’s office. Pero dahil mabait ako, buti na lang, nakaligtas ako
sa kapahamakan. Kaya kayo kids, gayahin nyo ko, magpakabait din kayo ha. Biro
lang. Dapat pag nagtago kayo ng gamit ng kaklase nyo, isoli nyo rin after ng
isang subject. Masyado na yung 2 subjects na torture. Teka, uso pa ba yung
notebook (na papel) sa kabataan ngayon?
No comments:
Post a Comment