Year 4025AD. Modern Manila. Isa nang disyerto ng panahon na yun at paboritong puntahan ng mga archaeologists dahil sa dami ng nahuhukay nilang artifacts ng mga nakaraan para pag-aralan kung pano mamuhay ang mga tao noon sa minsang naging mataong lugar.
Hanggang sa nakahukay sila ng mga napreserbang mga sulatin mula sa ika-21st century. Nag evolved na ang lenggwahe ng panahon nila at ibang iba sa panahon natin ngayon. Pero ang kaalaman nila patungkol sa pananalita natin ngayon ay malawak. Kaya laking gulat nila ng mahukay nila ang ilang mga artifact ng mga komunikasyon sa lugar na yon ng ganoong panahon. Ito ang naging usapan nila.
Arch 1: Pare, kakaiba itong nadiskubre natin.
Arch 2: Bakit pare? Ano ba ang mga nakasulat dyan sa napulot mong artifact? Di ba napag-aralan na naman natin ang uri ng lenggwahe na meron ang mga tumira dito noong 15th to 20th century?
Arch 1: Oo pare! At alam din natin na maraming mga bansa ang sumakop sa kanila at nahalo na sa salita nila ang ilan. At alam din naman natin karamihan yung mga lenggwahe ng ibang bansa na yun tulad ng espanyol at ingles.
Arch 2: Tama ka dyan. E ano ba yan? Bakit mo nasabing kakaiba? Baka naman baybayin yan o kaya chinese or japanese characters?
Arch 1: Hindi e. Halos pareho ng mga titik na ginamit nila pero iba ang template!
Arch 2: Anong template? Bakit? Di ba ikaw ang expert dyan? Imposible namang may iba pa silang mga tao noon na di natin pa napag-aaralan? O baka may iba pa nga?
Arch 1: Oo pare, mukhang may iba pa nga! At mukhang lumaganap sila sa 21st century. At mukhang hindi lang iisang grupo!
Arch 2: Hyper ka na pare ah. Panong naging di lang iisa? Pano mo nalaman?
Arch 1: Magkaiba kasi sila ng format eh. Basta pre. Tingin ko, iba ito! Di kaya nasakop sila ng aliens dati? Di kaya may mga extra terrestrial na bumaba sa lugar nila noon na nagturo sa kanila ng maraming bagay?
Arch 2: Ano yan? Parang Ancient Aliens? Yung mga tinatawag na Annunaki? Yung mga BC civilization? Pare anlayo nun ah.
Arch 1: Parang ganon pare. Pero ito, iba nga. Malayo ito! Pero mukhang laganap at marami ang mga artifacts na may ganon ang format ng sulat. Putsa pare, matindi itong nadiskubre natin! Mukhang may Ancient Aliens din na bumaba noon sa Old Manila. Di kaya sila rin ang dahilan kung bakit nasira ang lugar nila?
Arch 2: Don't jump into conclusions pare. Pero teka, kung may mga Annunaki noon, ano kaya ang tawag sa mga yan.
Arch 1: Eto pare. Tingin ko mga aliens din ito. May mga pictures na nandito. Parang isang pamilya. May mga bata at... at....
Arch 2: Ano pare? Ano. Wag mo ko bitinin! Ano ba nakasulat.
Arch 1: Junakis!
Arch 2: Ano?!!!
Arch 1: Junakis! Katunog ng Annunaki! Ito na nga ata ang tawag sa kanila! Yan ang caption sa picture at mukhang sa sinaunang dyaryo pa nakasulat! Ibig sabihin, it's a public knowledge pare!
Arch 2: Oo nga pare! Tama ka. Isang malaking discovery ito! Ano ba ang nakasulat?
Arch 1: Eto pare. Subukan mong intindihin. Sabihin mo sa kin kung may alam kang ganitong uri ng lenggwahe ng mga sinaunang tao sa Manila.
Arch 2: Sige.
Arch 1: "Itetch ang junakis ng magdyowawers na starlaloo. Winnie Monsod ang feslak ng mga junakis, in ferness. Keri mo teh?"
Arch 2: What the...! Iba yan pare!
Arch 1: Sabi ko sa yo eh. At Junakis pare. Mukhang iyon ang clue dito.
Arch 2: E teka, sabi mo dalawang set? Ano pa yung isa?
Arch 1: Eto pare, may na froze na lumang teknolohiya ng mobile phone. Yung tinatawag nilang LED. Eto ang nakasulat.
Arch 2: Ano pare?
Arch 1: "EoWzzz P0whzzz. MuXZZZt5 n9 Powsszzz Ke0wwzz444!!! Jejejeje"
Arch 2: Ansakit sa ulo nyan pre. Ano ba yan, hexadecimal o ano?
Arch 1: Ewan ko pre. Pero pansin ko, andaming mga ganitong mga artifacts na ang dulo ng mga salita ay "Jejeje".
Arch 2: Baka yan ang tawag sa kanila. O baka naman yan ang pinaka punctuation nila.
Arch 1: Marahil. Pero di natin malalaman. Pansamantala, yan ang itawag naman natin sa lenggwaheng ito. "Jejeje"
Arch 2: Puede! Isang Junakis at isang Jejejeje.
Arch 1: Tama. At dapat natin pa lalo itong pag-aralan. Malaking discovery ito sa ancient civilization ng old Manila.
Arch 2: Sabihan natin ang iba na maghukay din dito. Pagtulungan pa nating hanapan ng mga makakatulong na artifacts para makilala natin lalo ang mga "Jejeje" at mga "Junakis".
Kawawang archeologists ng future. Pero pano kaya kung ganyan din pala ang mga nahuhukay ng mga archaeologists natin ngayon?
No comments:
Post a Comment