Friday, October 13, 2017

Ang Mahiwagang Babae sa Elevator

Pagsakay ko sa elevator kahapon sa may Victory Mall Antipolo papunta sa parking floor, may 2 babae sa loob na nagseselfie kasama ng isang may kaputiang babae dun sa bandang kanang sulok. Akala ko isang group sila na trip lang magpicture-an sa loob ng elevator. Hindi pala. Nagpapapicture pala yung 2 teenager girls dun sa babae. Nagpaalam pa sila at nagthank you dun sa babae at kita ang excitement sa kanilang mukha ang nangyaring encounter. Pagtingin ko dun sa babae, di ko naman siya kilalang artista or baka artista nga pero di ko naman mamukhaan kasi di naman na ko madalas manood ng tv.


Bumaba na yung 2 babae na nagpapicture dun sa girl na celebrity ata dun din sa floor na pinanggalingan ko. Tapos si elevator girl, sabi nya papapicture na rin daw siya. Sabi nung parang "bodyguard" na lalake e sige daw, since nahuli na rin lang sila sa elevator. Tiningnan ko at di ko pa rin makilala kung sino siya. Then after nila magselfie, nakarating na kami sa basement 3 kung nasaan ang parking.

Dun din bumaba yung babae na "celebrity". And since nasa kabilang sulok ako ng elevator, ako yung huling lumabas. Pero dahil nacurious na rin ako sa kung sino siya, bago ko lumabas ng elevator, tinanong ko muna ang elevator girl. At pagbuka ng bibig ko, sumabay din siya ng pagsabi nang "sino ba yun"?

Natawa na lang ako ng malakas. Nagpapapicture siya, di naman pala nya kilala. Pero sino nga kaya yung babae na yun?

No comments:

Post a Comment