Yung paglalaro sa kalye nung bata ako, tingin ko malaking tulong kung kaya kahit papano ay healthy ako kumpara sa mas maraming bata ngayon na hindi naranasang marumihan, mainitan ng araw o magtatakbo at pawisan sa kalye. Yun din madalas sabihin ng mga matatanda ngayon. Pero bakit ganon, di ba sila din naman yung nagpalaki sa mga nagkaroon ng mga bagong anak ngayon? Di ba nila yun itinuro sa kanila?
Isang beses, galing ako sa bahay ng mga magulang ko papasok ng trabaho. Panggabi ako. Iniwan ko yung sasakyan dun at magcocommute na lang ako papasok para tipid. Pagdating ko sa kanto, may 3 batang na naglalaro ng habulan. Sa may tabi ng highway. Nanliliit ako sa bawat takbo nila. Lumalampas kasi sila sa kalsada mismo. Blind curve pa naman yung daan dun sa may kanto namin. Sa kaba, pinagsabihan ko sila na wag dun tumakbo. Malawak pa naman yung sidewalk at yung harapan nung mga saradong store kaya wag na sila lumampas. Hindi ako pinakinggan. Siguro mga nasa edad 9-12 yung mga bata.
At tulad ng kinakatakot ko, pagtakbo ng isang batang lalake, saktong may parating na tricycle. Nabundol ang bata mula sa likod. Nauntog pa ito sa mismong side car. Buti na lang di gaano mabilis ang takbo ng tricycle. Bumaba yung driver at kinumusta yung bata. Lumapit ako at inis na inis na rin sa nangyari dahil nga sa kakulitan ng bata at di pakikinig sa paalala ko. Paalis na sana yung driver pero sabi ko baka may damage yung bata, dapat mapacheck muna sa hospital. Sabi ko naman sa mga kasama ng bata, tawagin yung magulang nung naaksidente para malaman yung kalagayan.
Dumating maya maya yung nanay at nakaharap yung driver. Pinaliwanag nung driver yung nangyari. Habang naguusap sila, nagsalita na rin ako at sinabi ko na di kasi nakikinig yung mga anak nila at buti na lang ay di napuruhan yung anak nya. Sabi sa kin nung nanay "e kayo tong may hawak ng manibela e". Nagulat ako sa reaksyon nya. Sabi ko, ale, hindi ho ako ang driver. Witness lang ako at ako nga yung pumigil sa driver na umalis at pinatawag ko kayo dito. Di pa rin tumigil sa pagtaas ng boses yung ale.
Nainis na rin ako at nagtaas ng boses. Sabi ko, e kung yung anak nyo ay natutong makinig at hindi naging bastos nung pinagsasabihan ko, hindi mangyayari yan. At pasalamat pa sila at di ko iniwan yung anak nya at baka nabalian yan at natakbuhan ng driver, ano na lang gagawin nila.
Hindi ko ineexpect magpasalamat sya pero ang ginawa pa nya ay kabaligtaran. Sinigawan pa ko at sinabihan na lasing daw ata ako at bakit ko siya pinapakialaman. Di naman daw pala ako ang nakabangga. Maya maya dumadami sila. May isa pang kapatid nya na babae din na dumadakdak. Yung mga kapitbahay nila sa area na yun sa may kanto, naglabasan na rin. Kulang na lang e kuyugin ako. Siguro namukhaan din ako ng iba kaya di nangyari yun. Dun din kasi sa lugar na yun ako lumaki. Pero gigil na gigil na talaga ako. Ako na nga ang nagmalasakit, ako pa ang pinagtutulungan. Kung hindi lang babae yun, baka nasapak ko na. May dumaan maya maya na isa pang tricycle at kilala ko yung driver. Si Manong Lando, yung pinsan ng mga barkada ko na kadalasang kainuman din ng tatay ko. Nakita nya ang nangyari at isinakay na lang ako sa tricycle nya at inilayo sa sitwasyon.
Mahirap na raw awatin yung mga yun at di talaga gumagamit ng isip. Kaya wala ako magagawa kahit anong rason. Gigil na gigil pa rin ako hanggang sa trabaho ko. Kinabukasan, sinabi ko yung mga nangyari sa magulang at mga kamag-anak ko. Kilala pala ng katrabaho ng tito ko yung nanay na nang-away sa kin. Pinagsabihan nya at hiyang hiya daw yun nung naipaliwanag kung ano ang nangyari. Nakinig yung ale dun sa katrabaho ng tito ko dahil may posisyon ata yun dun sa samahan nila sa lugar. Pero tapos na ang lahat, di ko na din maalala nga yung itsura ng ale na yun kung makasalubong ko man siya.
Masakit pag nasasabihan ng iskwater. Lalo na kung tatawagin pang utak iskwater. Yan kasi ang naging comment ng ilan sa mga taong nakwentuhan ko ng ganitong pangyayari. Siguro kasi dun sila nakatira sa lupang di naman kanila. Pero tingin ko unfair na tawaging utak iskwater ang mga nakatira dun na ang ibig sabihin ay makitid na pang-unawa. Marami sa kanila ay disente ang pamumuhay. Marami sa kanila ay kaibigan ko. Maging yung tumulong sa kin na tricycle driver at yung kumausap dun sa ale ay mga kakilala ko at dun din nakatira. Ilan sa mga kababata ko, karamihan kung tutuusin, ay dun din lumaki. Nabalitaan ko na may iba sa kanila nalulong na sa bisyo at may mga nakulong pa nga. Pero marami sa kanila ang natuwa ako dahil umasenso na rin sa buhay dahil sa pagsisikap.
Yung mga kalaro ko sa kalye nung bata ako, iba iba na rin ang sitwasyon namin ngayon sa buhay. Marami naman sa kanila hanggang ngayon nakakausap ko pa rin. Masaya yung mga pangyayari nung bata ako. Yun ay dahil sa mga nakasama ko. Dun sa mga taong yun umikot ang kabataan ko. Simple lang ang tinakbo ng buhay ko nun at hanggang ngayon, dala dala ko yun. Ultimo mga basura na tulad ng balat ng sigarilyo at candy, tansan, mga piraso ng kahoy, lumang gulong at kung ano ano pa ay masaya na kaming paglaruan. Yan yung sinasabing simple para sa kin. Simple dahil kuntento kami ng mga panahon na yun. Kung yan ang pagiging utak iskwater, naging ganon din ako minsan. At hanggang ngayon, ganon pa rin naman ako kadalasan.
Wednesday, October 21, 2015
Wednesday, October 14, 2015
Puyat Eh
Field trip kinabukasan, di ako makatulog. Ganito lagi ang sitwasyon ko nung nag-aaral pa ko. Naiimagine ko na kung ano mga puedeng gawin. Kung swimming man yan, pupunta ng Enchanted Kingdom o kaya sa factory ng softdrinks, siguradong mapupuyat ako bago yung araw ng tour namin nung elementary ako o high school. 5AM pa naman ang call time tapos alas dose na e di pa rin ako makatulog. Tuloy pagdating sa bus, inaantok antok pa ko. Pero pag umandar na, nagsisimula na ang mga kalokohan kaya di na rin ako makatulog. Kwentuhan, asaran, kain ng mga chichirya at kung ano ano pa. Sarap sana kung katabi ko yung crush ko kasi dyahe. Torpe ako saka mahirap sa ganyan, asar talo ka. Tumabi ka lang sa babae e kakantyawan ka na. Kaya uso nun mga magkakabarkada talaga magkakatabi at paniguradong magulo at maingay.
Pag bata ka pa, excited ka rin sa Pasko o birthday mo. Di ka makatulog kakaisip kung ano ang mga masasayang bagay na mangyayari sa mga okasyong ito. May handa ka ba, may mga regalo, mga kaibigan at kamag-anak na bisita. Di ka makatulog sa sobrang pananabik.
Depende sa dahilan, iba iba ang reaksyon ng tao sa pagpupuyat. May iba na masaya sa pinagpuyatan, may iba na badtrip, may iba na balewala lang, may iba na walang personalan, trabaho lang.
Bukod sa excitement sa mga field trips, ang dahilan ng pagpupuyat kadalasan ng kabataan ay paggawa ng assignments o pagrereview para sa exam. Kasama na rin ang paggawa ng project. Pag group project, may overnight pa yan minsan. Napupuyat din dahil sa kakaisip sa mga crush at nililigawan. Minsan nagsusulat ng love letter o kaya naman sa pagtawag sa telepono or pagtetext sa panahon ngayon. Minsan naman dahil sa kakaisip lang kung galit ba sa kanya yung taong gusto nya. Praning.
Pag nag-college, medyo pareho pa rin naman pero mas madalas nang academics related ang dahilan ng pagpupuyat. Thesis. Group projects na may halo na ring group inuman. Mas madami na ang all-nighters.
Pag nagtrabaho na, una ay excited ka pa sa bagong mundo. Ok sa yo ang puyatan sa trabaho. Pati mga pagtambay kasama ng mga bagong kaibigan sa trabaho. Sumasama ka rin lagi sa mga activities outside the office tulad ng mga sportsfest at mga outings. Pero pagtagal tagal, maiiba na rin. Mawawala na yung excitement mo. Madalas nga tinatamad ka nang pumunta. At mas gusto mo na lang matulog. Dahil yung pagpupuyat, madalas na rin sa trabaho. Lalo kung panggabi ka. Kahit nakakatulog ka sa umaga, para ka pa ring puyat lagi. Kung normal pasok mo, may OT ka na, traffic pa. Tapos aga uli ng gising kinabukasan. At di ka na rin masyadong excited sa birthday mo o sa Pasko.
Pag nag-asawa ka na, kala mo mapupuyat ka naman sa pagla-loving loving? Sorry pero madalas, puyat ka pa rin sa trabaho talaga. Sa pagod mo o pareho kayong mag-asawa, minsan yung oras nyo sa bawat isa ay bawas na. Tapos pag nagka-anak na kayo, mapupuyat naman sa pag-aalaga ng baby. Pag nag aral sila, sa paggawa ng assignments nila. Yung drinking sessions kasama ng mga kaibigan paunti na ng paunti pero mas treasured ang moments dahil minsanan na rin lang. Pero kahit puyat ka para sa pamilya at barkada, ok lang sa yo kasi masaya ka. Pero sa trabaho at traffic, medyo ibang usapan na. At sa panahong ito, babalik na uli ang excitement mo sa Pasko pero hindi para sayo, para sa mga anak mo. Ganon din sa mga birthdays naman nila.
Pero aminin mo, nakakamiss pa rin yung pakiramdam ng mapuyat dahil sa excitement sa field trip tulad nung bata ka pa. Yung makakapunta ka sa malayong lugar kasama ng mga katropa mo sa eskwela, yung teacher mo hindi nagtuturo, puede kayong magtatakbo at magtatalon, magsigawan ng di napapagalitan. Maghapon na puro ganon. Maging yung mangyayari sa bus na sasakyan nyo ay excited ka na at marami ka pa ngang baong pagkain na binili nyo ng mga kaklase mo sa malapit na grocery kahapon. Para kayong nakawala sa kural. Ansarap balikan yung ganoong pakiramdam. Napupuyat ka kahit may pagkakataon ka namang matulog. Hindi katulad ngayon, puyat ka at wala kang magawa para hindi ka mapuyat.

Subscribe to:
Posts (Atom)