Yung paglalaro sa kalye nung bata ako, tingin ko malaking tulong kung kaya kahit papano ay healthy ako kumpara sa mas maraming bata ngayon na hindi naranasang marumihan, mainitan ng araw o magtatakbo at pawisan sa kalye. Yun din madalas sabihin ng mga matatanda ngayon. Pero bakit ganon, di ba sila din naman yung nagpalaki sa mga nagkaroon ng mga bagong anak ngayon? Di ba nila yun itinuro sa kanila?
Isang beses, galing ako sa bahay ng mga magulang ko papasok ng trabaho. Panggabi ako. Iniwan ko yung sasakyan dun at magcocommute na lang ako papasok para tipid. Pagdating ko sa kanto, may 3 batang na naglalaro ng habulan. Sa may tabi ng highway. Nanliliit ako sa bawat takbo nila. Lumalampas kasi sila sa kalsada mismo. Blind curve pa naman yung daan dun sa may kanto namin. Sa kaba, pinagsabihan ko sila na wag dun tumakbo. Malawak pa naman yung sidewalk at yung harapan nung mga saradong store kaya wag na sila lumampas. Hindi ako pinakinggan. Siguro mga nasa edad 9-12 yung mga bata.
At tulad ng kinakatakot ko, pagtakbo ng isang batang lalake, saktong may parating na tricycle. Nabundol ang bata mula sa likod. Nauntog pa ito sa mismong side car. Buti na lang di gaano mabilis ang takbo ng tricycle. Bumaba yung driver at kinumusta yung bata. Lumapit ako at inis na inis na rin sa nangyari dahil nga sa kakulitan ng bata at di pakikinig sa paalala ko. Paalis na sana yung driver pero sabi ko baka may damage yung bata, dapat mapacheck muna sa hospital. Sabi ko naman sa mga kasama ng bata, tawagin yung magulang nung naaksidente para malaman yung kalagayan.
Dumating maya maya yung nanay at nakaharap yung driver. Pinaliwanag nung driver yung nangyari. Habang naguusap sila, nagsalita na rin ako at sinabi ko na di kasi nakikinig yung mga anak nila at buti na lang ay di napuruhan yung anak nya. Sabi sa kin nung nanay "e kayo tong may hawak ng manibela e". Nagulat ako sa reaksyon nya. Sabi ko, ale, hindi ho ako ang driver. Witness lang ako at ako nga yung pumigil sa driver na umalis at pinatawag ko kayo dito. Di pa rin tumigil sa pagtaas ng boses yung ale.
Nainis na rin ako at nagtaas ng boses. Sabi ko, e kung yung anak nyo ay natutong makinig at hindi naging bastos nung pinagsasabihan ko, hindi mangyayari yan. At pasalamat pa sila at di ko iniwan yung anak nya at baka nabalian yan at natakbuhan ng driver, ano na lang gagawin nila.
Hindi ko ineexpect magpasalamat sya pero ang ginawa pa nya ay kabaligtaran. Sinigawan pa ko at sinabihan na lasing daw ata ako at bakit ko siya pinapakialaman. Di naman daw pala ako ang nakabangga. Maya maya dumadami sila. May isa pang kapatid nya na babae din na dumadakdak. Yung mga kapitbahay nila sa area na yun sa may kanto, naglabasan na rin. Kulang na lang e kuyugin ako. Siguro namukhaan din ako ng iba kaya di nangyari yun. Dun din kasi sa lugar na yun ako lumaki. Pero gigil na gigil na talaga ako. Ako na nga ang nagmalasakit, ako pa ang pinagtutulungan. Kung hindi lang babae yun, baka nasapak ko na. May dumaan maya maya na isa pang tricycle at kilala ko yung driver. Si Manong Lando, yung pinsan ng mga barkada ko na kadalasang kainuman din ng tatay ko. Nakita nya ang nangyari at isinakay na lang ako sa tricycle nya at inilayo sa sitwasyon.
Mahirap na raw awatin yung mga yun at di talaga gumagamit ng isip. Kaya wala ako magagawa kahit anong rason. Gigil na gigil pa rin ako hanggang sa trabaho ko. Kinabukasan, sinabi ko yung mga nangyari sa magulang at mga kamag-anak ko. Kilala pala ng katrabaho ng tito ko yung nanay na nang-away sa kin. Pinagsabihan nya at hiyang hiya daw yun nung naipaliwanag kung ano ang nangyari. Nakinig yung ale dun sa katrabaho ng tito ko dahil may posisyon ata yun dun sa samahan nila sa lugar. Pero tapos na ang lahat, di ko na din maalala nga yung itsura ng ale na yun kung makasalubong ko man siya.
Masakit pag nasasabihan ng iskwater. Lalo na kung tatawagin pang utak iskwater. Yan kasi ang naging comment ng ilan sa mga taong nakwentuhan ko ng ganitong pangyayari. Siguro kasi dun sila nakatira sa lupang di naman kanila. Pero tingin ko unfair na tawaging utak iskwater ang mga nakatira dun na ang ibig sabihin ay makitid na pang-unawa. Marami sa kanila ay disente ang pamumuhay. Marami sa kanila ay kaibigan ko. Maging yung tumulong sa kin na tricycle driver at yung kumausap dun sa ale ay mga kakilala ko at dun din nakatira. Ilan sa mga kababata ko, karamihan kung tutuusin, ay dun din lumaki. Nabalitaan ko na may iba sa kanila nalulong na sa bisyo at may mga nakulong pa nga. Pero marami sa kanila ang natuwa ako dahil umasenso na rin sa buhay dahil sa pagsisikap.
Yung mga kalaro ko sa kalye nung bata ako, iba iba na rin ang sitwasyon namin ngayon sa buhay. Marami naman sa kanila hanggang ngayon nakakausap ko pa rin. Masaya yung mga pangyayari nung bata ako. Yun ay dahil sa mga nakasama ko. Dun sa mga taong yun umikot ang kabataan ko. Simple lang ang tinakbo ng buhay ko nun at hanggang ngayon, dala dala ko yun. Ultimo mga basura na tulad ng balat ng sigarilyo at candy, tansan, mga piraso ng kahoy, lumang gulong at kung ano ano pa ay masaya na kaming paglaruan. Yan yung sinasabing simple para sa kin. Simple dahil kuntento kami ng mga panahon na yun. Kung yan ang pagiging utak iskwater, naging ganon din ako minsan. At hanggang ngayon, ganon pa rin naman ako kadalasan.
Wednesday, October 21, 2015
Wednesday, October 14, 2015
Puyat Eh
Field trip kinabukasan, di ako makatulog. Ganito lagi ang sitwasyon ko nung nag-aaral pa ko. Naiimagine ko na kung ano mga puedeng gawin. Kung swimming man yan, pupunta ng Enchanted Kingdom o kaya sa factory ng softdrinks, siguradong mapupuyat ako bago yung araw ng tour namin nung elementary ako o high school. 5AM pa naman ang call time tapos alas dose na e di pa rin ako makatulog. Tuloy pagdating sa bus, inaantok antok pa ko. Pero pag umandar na, nagsisimula na ang mga kalokohan kaya di na rin ako makatulog. Kwentuhan, asaran, kain ng mga chichirya at kung ano ano pa. Sarap sana kung katabi ko yung crush ko kasi dyahe. Torpe ako saka mahirap sa ganyan, asar talo ka. Tumabi ka lang sa babae e kakantyawan ka na. Kaya uso nun mga magkakabarkada talaga magkakatabi at paniguradong magulo at maingay.
Pag bata ka pa, excited ka rin sa Pasko o birthday mo. Di ka makatulog kakaisip kung ano ang mga masasayang bagay na mangyayari sa mga okasyong ito. May handa ka ba, may mga regalo, mga kaibigan at kamag-anak na bisita. Di ka makatulog sa sobrang pananabik.
Depende sa dahilan, iba iba ang reaksyon ng tao sa pagpupuyat. May iba na masaya sa pinagpuyatan, may iba na badtrip, may iba na balewala lang, may iba na walang personalan, trabaho lang.
Bukod sa excitement sa mga field trips, ang dahilan ng pagpupuyat kadalasan ng kabataan ay paggawa ng assignments o pagrereview para sa exam. Kasama na rin ang paggawa ng project. Pag group project, may overnight pa yan minsan. Napupuyat din dahil sa kakaisip sa mga crush at nililigawan. Minsan nagsusulat ng love letter o kaya naman sa pagtawag sa telepono or pagtetext sa panahon ngayon. Minsan naman dahil sa kakaisip lang kung galit ba sa kanya yung taong gusto nya. Praning.
Pag nag-college, medyo pareho pa rin naman pero mas madalas nang academics related ang dahilan ng pagpupuyat. Thesis. Group projects na may halo na ring group inuman. Mas madami na ang all-nighters.
Pag nagtrabaho na, una ay excited ka pa sa bagong mundo. Ok sa yo ang puyatan sa trabaho. Pati mga pagtambay kasama ng mga bagong kaibigan sa trabaho. Sumasama ka rin lagi sa mga activities outside the office tulad ng mga sportsfest at mga outings. Pero pagtagal tagal, maiiba na rin. Mawawala na yung excitement mo. Madalas nga tinatamad ka nang pumunta. At mas gusto mo na lang matulog. Dahil yung pagpupuyat, madalas na rin sa trabaho. Lalo kung panggabi ka. Kahit nakakatulog ka sa umaga, para ka pa ring puyat lagi. Kung normal pasok mo, may OT ka na, traffic pa. Tapos aga uli ng gising kinabukasan. At di ka na rin masyadong excited sa birthday mo o sa Pasko.
Pag nag-asawa ka na, kala mo mapupuyat ka naman sa pagla-loving loving? Sorry pero madalas, puyat ka pa rin sa trabaho talaga. Sa pagod mo o pareho kayong mag-asawa, minsan yung oras nyo sa bawat isa ay bawas na. Tapos pag nagka-anak na kayo, mapupuyat naman sa pag-aalaga ng baby. Pag nag aral sila, sa paggawa ng assignments nila. Yung drinking sessions kasama ng mga kaibigan paunti na ng paunti pero mas treasured ang moments dahil minsanan na rin lang. Pero kahit puyat ka para sa pamilya at barkada, ok lang sa yo kasi masaya ka. Pero sa trabaho at traffic, medyo ibang usapan na. At sa panahong ito, babalik na uli ang excitement mo sa Pasko pero hindi para sayo, para sa mga anak mo. Ganon din sa mga birthdays naman nila.
Pero aminin mo, nakakamiss pa rin yung pakiramdam ng mapuyat dahil sa excitement sa field trip tulad nung bata ka pa. Yung makakapunta ka sa malayong lugar kasama ng mga katropa mo sa eskwela, yung teacher mo hindi nagtuturo, puede kayong magtatakbo at magtatalon, magsigawan ng di napapagalitan. Maghapon na puro ganon. Maging yung mangyayari sa bus na sasakyan nyo ay excited ka na at marami ka pa ngang baong pagkain na binili nyo ng mga kaklase mo sa malapit na grocery kahapon. Para kayong nakawala sa kural. Ansarap balikan yung ganoong pakiramdam. Napupuyat ka kahit may pagkakataon ka namang matulog. Hindi katulad ngayon, puyat ka at wala kang magawa para hindi ka mapuyat.

Tuesday, July 7, 2015
Kuwentong Karanasan (sa Bakla)
Nauuso na rin lang ang usapang LGBT, same sex marriage at iba pang homosexual na topic, makikisali na rin ako. Marami akong kaibigan at kamaganak na bahagi ng LGBT. Pero hindi ako pabor sa maraming bagay na ginagawa at patungkol sa kanila sa dahilang katulad din ng di ko pagsangayon sa ginagawa ng ilang kapwa ko straight. Pero pare pareho ko silang nirerespeto bilang tao na tingin ko ay siya namang nararapat at hindi dahil sa kung ano ang meron sa pagitan ng hita nila o kung ano man ang atraksyon na meron sila sa kapwa.
Madalas na naririnig ko ay marami daw ang galit sa bading dahil daw siguro ay bading din sila at di makapagladlad. Hindi ko maintindihan itong mga katagang ito dahil ibig bang sabihin nito, yung mga femen o extreme feminists na galit sa lalake e mga babaeng gustong maging lalake? O yung mga taong galit sa magnanakaw, gusto din ba nilang magnakaw? Di naman siguro. O baka naman siguro, mas tama yung ibang naririnig ko na may mga galit sa bading dahil baka natsansingan o namolestya ng bading. Posible. Ako mismo ay may mga karanasan na din sa ganyan pero di naman ito naging dahilan para magalit ako sa lahat sa kanila. Kung galit man ako sa mga naranasan ko, ito ay direkta sa kanila at di lahat sa kanila katulad din ng galit ako sa mga rapist na lalake pero hindi sa lahat ng lalake. Eto ang ilan sa mga karanasan ko sa mapagsamantalang bading na di ko na makakalimutan.
Unang beses ng ako ay elementary pa lang. Grade 4 or 5 siguro. Naglalakad ako sa palengke noon at may hinahanap ako na gagamitin sa project namin noon sa isang subject na di ko na maalala. May nakasalubong ako na middle aged na lalakeng payat, maputi at kalbo na di ko naman masabi agad na bading dahil di naman siya yung "stereotype" na mahaba buhok na nakadamit pambabae. Pero napagtanto kong bakla sya nung medyo nagkaisip na ko at naintindihan ko ang sinabi nya. Sabi nya sa kin nung pagkasalubong namin dalawa ay "ansarap mo siguro". Kinabahan ako at binilisan ang paglakad palayo na parang di ko siya nakita. Pagtingin ko mula sa malayo ay lumingon din siya at tumawa kaya lalo ako lumayo at dumiretso na lang sa pupuntahan ko. Yun ang una kong naaalala na encounter sa bakla.
Pangalawa naman ay nung nasa CR sa isang sinehan, high school na ko nun. Grupo ng bading na may edad na ang nakasabay namin sa CR ng mga kaklase kong lalake. Nagkataon na ako na lang ang umiihi ng dumating sila. Halata ko na sumisilip sila habang ako ay umiihi. Kaya binilisan ko na matapos at umalis na lang. Pero baka mali ako pero ang di ko maintindihan ay bakit andami namang puedeng ihian na bakante e bakit sa tabi ko pa pumwesto yung isa.
Pangatlo na naalala ko ay nung college na ko. Sa may pilahang luma pa ng jeep pauwi sa min. Sa CR din. May isang lalake dun na kanina ko pa napansin sa labas na parang di umaalis sa pinto ng cr. Nakailang labas pasok na rin siya dun. Umuulan pa. May dala akong payong. Nung nakaramdam akong maiihi ako, pumasok ako. At pumasok din siya. Ganon din tulad nung isang karanasan ko, sa tabi ko pa talaga siya umihi. Pinakiramdaman ko at wala naman ako narinig na tunog ng pag ihi at nakita ko na nakalingon sya sa lugar ko. Ginawa ko, yung hawak na payong ko ay iniumang ko sa kamay ko na parang handa na kong mamalo. Dun lang siya tumigil ng paglingon at pagkatapos ay umalis na ko sa CR. Naiwan pa rin siya sa loob.
Marami pang mas malala na naranasan ko kung kelan nagttrabaho na ko. Isa na dun yung sa MRT. May isang nakaformal din na tingin ko nag oopisina ang kasabay kong sumakay sa may bandang Magallanes. Clutchbag ang bitbit nya. Nagtataka naman ako kung bakit yung kamay nya ay umaabot sa harapan ko. Di agad ako nagisip ng masama dahil siksikan naman talaga pero iba ang pakiramdam ko sa pagdikit ng kamay nya sa harap ko sa may pundilyo. At ng may bumaba sa sumunod na mga estasyon, nagtataka ko na kahit lumayo ako ay naiiwan ang kamay nya sa harap ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti pa sa akin. Nagpanting ang tenga ko at kanina pa pala ako iniisihan ng sira ulong yun. Umurong ako at napalayo ako ng todo. Gusto ko sana siyang sikmuraan kaso anlayo ko na sa kanya at siksikan. At nakarating na ko sa bababaan ko kaya umalis na lang din ako.
Minsan naman, naglalakad ako pauwi sa amin sa may bandang Ynares. Dun kasi ko bumaba galing sa FX. Sa kabilang side, may sumusutsot sa kin. Gabi na nun at mga 11pm. Pagtingin ko sa kabilang side, may lalake na puro foundation ang mukha. Bading. Nakapolo at may dalang bag, kinakawayan ako papunta sa kanya. At pagkatapos ay minuwestra pa nya yung kamay nya na parang may sinusubo. Alam nyo na kung ano yun at pinakitaan ako ng wallet. Galit at inis agad ang reaksyon ko. Ginawa ko, ako ang tumawag sa kanya at galit na galit kong pinapupunta at pinatatawid papunta sa lugar ko. Kitang kita siguro nya ang pamumula ko sa inis kaya lumingon na lang siya sa kabilang direksyon na parang walang nangyari.
Isa pang matindi ay sa may kanto din namin na may tindahan na 2 bakla ang nagbabantay. Mas bata pa itong mga ito kesa sa kin. Pagkababa ko sa jeep, parang nung isang beses, may sumutsot din sa kin at may kasamang hoy pa. Paglingon ko, yung isang bakla ay binigyan ako ng dirty finger sabay katulad din ng ginawa nung isang bading sa naunang kwento ko. Binilog ang palad at kunwaring may sinusubo. Tiningnan ko lang ng masama at dumiretso na ko pauwi. Pero gustong gusto kong makabawi sa sobrang galit dahil sa isip ko, sa lugar pa namin ako binastos. Pangalawa ay mas bata sa kin ang gagong yun para ganunin ako. Nagbihis ako ng pambahay at nagsuot ng sumbrero.
Bumalik ako sa tindahan. Malamang na di ako makikilala dahil nakalongsleeves polo ako nung bumaba ako at nasa kabilang side pa ko ng kalye nun. Pumunta ko sa tindahan. Naghanap ako ng puedeng bilhin. Pansit canton na lang ang naisip ko. At ang nagbenta sa kin ay yung isang tindero na kasama nung talagang pakay ko. Sakto lang sa plano ko. Malawak kasi yung tindahan at may parang karinderya pa. Andun yung nagtrip sa kin sa kabilang side.
Pagkatapos kong bumili dun sa kasama nya ay tinanong ko ito kung ano ang pangalan nung kasama nyang isa. Aktong tatawagin nya yung kasama nya ng sinabi kong "Bakit, sinabi ko bang tawagin mo siya? Tinatanong ko lang kung ano pangalan nya eh."
Parang nagulat na natakot ang kausap ko. Natahimik siya at pagkatapos, nagsalita uli ako ng "Pakisabi sa kasama mo, mag-iingat siya. Pero mamaya mo na sabihin. Pag nakatawid na ko sa kabila." Sabay talikod.
Pagtawid ko, tumayo ako sa kabilang kanto sa tabi ng poste at naging masunurin naman ang kausap ko. Natataranta siyang lumapit sa kasama nya nung pagkatawid ko. Kita ko na kinausap nya at itinuro pa nya ko sa kabila. Nakita nila ako na nakatayo kaya parang natakot pa sila lalo at ako naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Malayo man pero kita ko na nanlalaki ang mga mata nila. Natawa ako. At pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na ko.
Ilang araw nakausap ko yung kapitbahay namin na may tindahan din at nakausap ko yung nagtitinda na tita-titahan ko na rin dahil kinakapatid siya ng nanay ko. Naikwento ko ang nangyaring ito sa kanya at yun pala ay kakilala nya ang batang bakla na gumawa ng ganon sa kin. Nagpupunta pa nga raw iyon sa kanila. Sabi ko ay tinakot ko lang naman at wala akong balak gawing masama sa kanya. Gusto ko lang turuan sana ng leksyon at pakabahin sa ginawa nyang kalokohan. Kakausapin na lang daw ni tita. Makalipas ang ilang linggo ay nakwento nya at takot na takot nga raw at nagsisisi na ang bata.
May iba pa na nasa pagupitan naman ako na bakla ang nanggugupit. Kinakausap ako kaya sumasagot naman ako. Friendly naman siya. Mahirap din magsuplado at baka ukaan ang buhok ko. Tapos umabot sa personal na mga tanong. Kung may asawa na ba ko. Binata pa ko nun kaya sabi ko wala. Ang sagot ay sayang naman daw. Nabuburo at napapanis lang daw ang katas. Mga ganon biro na tatawanan mo na lang kasi dapat ok lang dahil bakla sila. O kaya mismong mga kaibigan mo na bakla na magbibiro din sa kin na may kasamang hipo sa dibdib o hita. Di ka magagalit kasi biro lang ng bakla. Pero naisip ko pano kung babae gumawa nun? Sasabihin agad na malandi o pokpok. Pag lalake naman e manyak. O kaya makakasuhan ng harrasment. Pero sila, they can get away with it dahil bakla sila. Not that I'm complaining pero di ako naniniwala kasi na oppressed sila. Maraming bagay na mas malaya pa nga sila na gawin kesa sa mga straight tulad ng ganitong mga bagay.
Ilan lang ito sa mga karanasan ko sa mga bakla. Maraming iba pa pero mga minor na lang kumpara dito. Siguro kasi ay lumalaban ako. Di tulad ng isang kababata ko na na-rape siya. At bukod pa dyan, di naman lahat ng engkwentro ko sa tulad nila ay pangit dahil tulad ng sinabi ko, may mga kaibigan akong bakla at marami din sa kanila ay malayo sa mga naikwento ko sa taas. Respetable at kagalang galang. May iba rin na makulit na tulad nating lahat na may natatagong kakulitan. Ako man ay hindi perpekto at maraming nagagawang kalokohan, kabulastugan, kabastusan at kagaguhang mga bagay sa aking kapwa. At sana napatawad na nila ko. Tulad ng pagpapatawad ko rin sa mga taong gumawa ng ganon sa kin sa mga nakwento ko sa taas. Except lang siguro dun sa nakasabay ko sa MRT. Pero di ko na rin siguro yun mamumukhaan. Pero sa kabila ng lahat, dito ko napagtanto first hand kung bakit marami din talaga ang may hindi magandang pananaw patungkol sa kanila dahil sa mga ganitong pangyayari sa ating paligid, at tulad din ito ng pagstereotype sa aming mga lalake o maging sa mga babae man ng mga ugaling hindi kagandahan.
At bukod sa mga karanasan sa bakla sa mga pampublikong lugar, isa pa sa marami akong karanasan ay sa mga snatcher, holdaper at mandurukot. At yun ang susunod kong ikkwento. Kung gano kadami ang nakwento ko sa taas, sindami din siguro yun ng karanasan ko sa mga masasamang elemento sa kalye. Buti na lang buhay pa ako at naikukwento ko pa sa inyo ang lahat ng mga karanasan ko, kanais nais man o hindi.

Di naman ganito kasiksikan pero siksikan pa rin talaga. |

Subscribe to:
Posts (Atom)